Tuesday, February 22, 2005

Feb.21,2005- Welcome sa Blog ni Magnifico

Ang sayah!May sarili na akong blog!

Pero nakakatawa no?Magpopost ka ng mga bagay tungkol sa sarili mong buhay, tapos alam mo namang may makakabasang iba...Ahahaha!
wala lang...

Hay...hindi ko nakita si Bonnie ngayon. Sabi ni Sachi nandun daw siya sa tambayan ng LAYA kanina...ahhh, hindi ko naabutan. Pano ba naman! Ang haba ng pila sa PNB kanina! Ang daming magda-drop ng PE. Halos lahat yata ay mga estudyante ni Caces. Ahahaha! Kawawa naman si Caces...antaray kasi e...balak ko pa naman sanang ituloy ang bridge kasi natalo namin siya minsan. Haha! Ayaw ko ng nasisindak ako sa mga sermon niya, masyado kasing mataas ang expectations niya sa mga estudyante niya kaya wala na yatang natira.

Ano, kung makalimutan ko kung sino ako(madalas kasi akong magkaroon ng sudden amnesia->sakit ng mga siraulo), ako nga pala si Magnifico(Cyril sa tunay na buhay).
Nag-aaral ako ng Anthropology sa UP Diliman. Ngayong itinatayp ko to, 17 yrs old na ako at malapit na kong mag-birthday!Sa May 25 ng 12 ng hatinggabi batiin niyo ko ha? Ha?! Ha?! Sabihin niyo sa kin: "Sana mamatay ka na! Masyado nang matagal ang buhay mo sa mundong ito!" At siyempre:" HAppy Birthday!!!".Mahilig akong magmuni-muni, kaya lang madalas lagi kong nakakalimutan ang mga iniisip ko...ano kaya? MAy sakit kaya ako? O sadyang sira lang talaga ang ulo ko?May short-term memory loss ba ako?NAku...ano kayang dapat kong gawin? Alam ko na, hindi ko dapat iniisip ang ganitong mga bagay, lalo lang masisira ang ulo ko.

Ano nga bang ginawa ko ngayong araw na ito?pAsensya na, hindi naman ako talaga mahilig magsulat ng mga bagay-bagay na nakikita,nararanasan at nararamdaman ko.Madalas itinatago ko lang sa loob ko. Tingnan natin kung may pagbabagong maidudulot ang jornal na ito sa buhay ko. Minsan minsan, kailangan mo rin namang kausapin ang sarili mo di ba? Minsan minsan, masaya rin namang balik-balikan ang mga nangyari sa buhay mo kahit na alam mong masakit. Pero ang nakaraan ay nakaraan, wala na tayong magagawa dahil nangyari na ang nangyari, DI BAH?! DIBAH?!Di ba nakakasilaw ang dilaw?!

I luv Greeen!Hahaa, wala lang. AYYYYY!!!naalala ko si Mr.Brownman(engot no?green tapos brown yung naalala).Ohhh,ang sexy niya!FAFAH!OOOOOHHHHHHHHWWWAAAI!!!HIndi ko makalimutan yung katawan niya habang kumakanta siya dun sa UP Fair!!! Ahhh!!!
Tumugtog sila dun sa UP Fair nung thursday, Feb.17.Ang galeng ng Brownman REvival, hindi lang sila basta-basta grupo ng mga tumutugtog na tao. MAy kabuluhan yung mga kinakanta nila.

At yun nga, pinagnanasaan ko si Mr.Brownman...Hayy, nakakapagod naman this day of mine[translation:nakakapagod ang araw na ito para sa 'kin].Ang tagal ng pinila ko dun sa PNB para i-drop yung lintek na PE kong yun.Buti na lang ini-extend hanggang bukas yung deadline ng dropping. Hindi ko tuloy pinasukan ang Geog1 ko kanina, pano ba naman, naiwan ko yung from5 ko.Ang putangama- hindi naman pala kailangan!Binalikan ko pa sa bahay kanina kaya doble pamasahe pa ako! Bwisit!

At ang isa pang nakakainis na nangyari sa buhay ko ngayon ay ang reporting namin kanina sa PP17.HAH!!!Nauutal ako habang nagrereport!Alam kong hindi nila naintindihan yung mga pinagsasabi ko, kasi hindi ko rin naintindihan yung mga sinabi ko! Eto na naman ako-matagal ko na namang iisipin itong pangyayaring 'to.Sisisihin ko na naman ang sarili ko.Bababa na naman ang tingin ko sa sarili ko, maya-maya madedepress na naman ako...Siguro nga may psychological disorder ako...AHhh!Ayoko nang mag-isip!Pero hindi pwede kasi kailangan kong mag-isip!Kailangan kong mag-isip dahil buhay ako. KAilangan kong mag-isip para mabuhay. Para mabuhay?Sinong may sabing gusto kong mabuhay sa ganitong klaseng mundo? Pag patay ka na kailangan mo pa bang mag-isip? MAlamang hindi na kasi hindi na gumagana ang utak mo nun, 'di ba?

Naiinis ako. Ayoko mang aminin, na-offend ako dun sa tinanong at sinabi sa akin ni Mr.Bok kanina. Tumambay kasi ako kanina sa LAYA... Bigayan ng mga tickets na ibebenta para sa akustik nyt na project ng applicants ng LAYA.

OY!BILI KAYO NG TIKETS SA AKIN!60PESOS LANG!TUTUGTOG DUN ANG LA PASSIONARIA, MATILDA, SLOWDIVE LAYA FC BOYS AT MARAMI PANG IBA!MAY LIBRENG DRINKS NA YON!GAGANAPIN SA FEB.24 SA TRIBU BAR SA KATIPUNAN.

At yun nga, may AKUSTIK NYT ang LAYA applicants. Punta kayo ha?!At balik tayo sa topic: Bigayan na rin ng mga tiket na naibenta kay Naneng, yung piso-piso na ang mapapanalunan ay 500pesos na load. Walang bumili ng tikets ko kundi ang pinakamamahal kong lola at si ate IC. Ang galeng di ba?!PAg hindi pa ako nanalo sa raffle na yon...hmph! EWan ko na lang!Ngunit nalaman kong may kalaban ako! Si Louie! Binili rin niya lahat ng tikets na dapat ay ibebenta niya!At dun nga nag-umpisa ang usapan...Sabi ni Louie, yung 500 pesos na load daw ay kakasya na sa kanya ng isang linggo. Sumabat ako: sabi ko, kulang pa ang isang buong buwan para maubos ko ang 500 na load. Alam mo naman tayo, sa sobrang hirap ng buhay, nasanay nang magtipid...At bigla kong nasabat na ipantatawag ko sa nanay ko yung 500 pesos na yon pag ako yung nanalo. NArinig ni Mr.bok at inumpisahan ang pagtatanong: "BAkit? Asan ba ang nanay mo?". Sa totoo lang, ayaw ko talagang sabihin dahil, para sa akin, ang ganoong mga bagay ay hindi na kailangan ipangalandakan pa...Kaya lang sadyang makulit si Mr. Bok at nakulitan ako sa kanya. Kunwari ko pang nakalimutan kung saang lupalop ng mundo naroon si nanay kaya itinanong ko pa kay Sachi. Ang tanga ko no? Matapos sabihin ni Sachi ang "Cyprus" kinabahan na ako..."Plis wag mo nang itanong kung bakit nandoon ang nanay ko,plis?"
Mr. Bok: A talaga?Astig, di ba malapit sa Turkey yon?
Louie: oo, malapit din sa duck.
HAHAHAHAHA!
Mr. Bok:Anong ginagawa niya don?
---
Ako:Nagtatrabaho.
Mr. Bok: Anong trabaho niya dun?

---------------[ PUTANGAMA!!!TAMA NAH!!!]------------------
Ako:DH!
(katahimikan...)
Mr.Bok: Nalulungkot ako para sa iyo...
Ako: Buti ka pa, ako nga hindi nalulungkot sa sarili ko eh...hahaha!
Sa buong buhay ko eto na siguro ang pinakamagaling na palabas ko...as in acting to the infinite level ang acting ko! 'Tangama, kahit hanggang ngayong ginagawa ko 'to nasasaktan pa rin ako.
NAY!!!MISS NA MISS NA KITA!!!
Hindi naman sa nagagalit ako kay Mr.Bok, ayaw ko lang na may nalulungkot para sa kin...lalo ko lang mararamdaman na nalulungkot talaga ako.Lalo ko lang nararamdaman na nahihirapan ako.
NAkakainis no?! Ano kayang pwedeng gawin bukas? nakakabagot na kasi e...wala bang ibang pwedeng magawa? YAn ang isa sa mga dahilan ko kung bakit hindi pa ko pwedeng magpakamatay o mamatay ngayon.At 'yon ay dahil hindi ko pa nagagawa ang mga gusto kong gawin.
Eto sana ang mga bagay na gusto kong gawin ngayon:
1. rape Marc Abaya
2. rape Mr.Brownman
3. patayin si Bush
4. isilid sa sako si GMA at itapon sa Payatas kasama ang kapwa niya mga basura
5. i-drop ang PE2-Bridge
6. uminom ng kape-yung Frothe...AHHHH!'tangama biktima ako ng mga kapitalista!
7.magnakaw ng milyun-milyon sa pitaka ni Lucio Tan at ipagamot ang batang nakasakay ko kanina sa jip-may sakit siya na hindi ko alam ang tawag pero halata naman na may sakit siya kasi ang liit-liit niya compared sa ibang bata at lumulobo pa ang tiyan niya
8. sabihin kay Mr.Bok na marami pang ibang masmahalagang bagay na dapat kalungkutan
At yun lang, ang dami kong naisulat, nakakagulat.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home