Ayoko na dito
Hay... napagod ako...
Kakatapos ko lang maglaba ng mga damit ng mga lintek na kasama ko dito sa bahay.
Ang sakit ng likod koh!
Bwisit...
Gusto ko nang umalis dito.
Saan ka pupunta?
Kahit saan...mamaya maglalaro na rin ako sa wakas ng football sa LAYA.
Kaya lang mamyang alas-tres pa ng hapon yun, alas-diyes pa lang...
Gusto kong lumipad!!!
Lipad!
Lipad!
Lipad!
Hay...nakakabagot ang buhay ko...wala man lang kahit konting excitement.
Anong gagawin ko?
Putangama naman e...
Kahit ang pagpo-post dito sa blog ay nakakabagot din...kinakausap ko lang ang sarili ko sa internet.
Tingnan mo, nag-aaksaya ka pa ng kuryente at pera para lang magsulat ka dito e samantalang pwede mo naman kausapin na lang ang sarili mo sa salamin!
Naalala ko tuloy yung kaklase ko sa French...
Nagkasabay kaming dalawa sa CR nung isang araw.
Nananalamin ako.
Napansin kong nagsasalita siya mag-isa, nakaharap sa dinding...
Akala ko naman ay may kinakabisado lang siya...
narinig kong may tinatanong siya... akala ko'y ako ang kinakausap kaya nilapitan ko siya...
Nagulat siya nang kausapin ko siya. May bakas ng kahihiyan sa mukha niya.
Sabi niya kinakausap daw niya talaga ang sarili niya- ang repleksyon niya sa dinding na gawa sa tiles.
Bago daw niya gawin ang isang bagay ay sumasangguni muna siya sa kanyang repleksyon, sa kanyang sarili.
Sabi ko, okey lang yun. Hindi siya dapat mahiya o matakot dahil nakita ko siyang kinakausap niya ang sarili niya...ginagawa ko rin naman yun e...hindi nga lang lantaran.
E di yun, prends na kami...
Ayoko na dito.
Sa sobrang dami ng gagawin ko hindi ko na maalala kung anu-ano yun...
AH! Alam ko na! Ililista ko kung ano yung mga kailangan kong gawin...
Bukas(feb.24):
French: wala; may bago daw kaming lesson
PE: ibigay kay Caces ang droppping slip ko
Geog: wala akong alam...
PanPil: quiz tungkol kay Manilyn R. at ikokumpyut daw namin ang grades namin
Tapos may AKUSTIK NYT kami sa LAYA!!!At walang pasok sa Biyernes! WAHOOOOO!!!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home