Kababawan
Simple lang akong tao.
...teka, tao nga ba ako?
Mababaw lang akong mas-isip.
Madalas ganun ako.
Minsan, lumalalim din naman.
Pero nakakatakot kasing mag-isip ng malalim.
Parang nalulunod ako sa mga kaisipang hindi ko rin naman naiintindihan.
Sa bandang huli babalik na naman ako sa wala.
Nakakatakot bumalik sa wala.
Parang wala lang din nangyari.
Parang hindi rin ako nag-isip.
Nasayang lang ang oras at pagod ko sa pag-iisip ng wala.
Parang itong ginagawa ko ngayon...
Dapat siguro ginawa ko na lang yung problem set sa chem at binasa yung readings sa lingg.
Ay, ang engot ko talaga.
Siguro tama nga si Sir Cabanilla...
nag-umpisa sa wala ang lahat.
Babalik din kaya ang lahat sa wala?
May mga pagkakataong hindi na ko nakakapagsalita sa sobrang kakaisip ng mga bagay sa mundong ito.
Parang nalalayo na ako sa lipunan...feeling ko tuloy outcast ako.
Ang wierd kasi.Kahit mga normal na bagay para sa maraming tao'y nagiging kakaiba para sa kin.
Hindi na ako maka-relate.Masyado na akong naguguluhan.Siguro naiiwan na nga ako ng mundo, kailangan kong humabol.
Ang dami kong gustong maintindihan tungkol sa buhay.
Pero pag sinusubukan ko ngang mapagtanto ang mga bagay-bagay, palagi na lang akong bumabalik sa wala.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home