August 16, 2005
Ang saya ko kasi tapos na yung exam ko sa socio11.
Bwisit, ang gulo-gulo ng mga piangsususulat ko dun.
Pero masnaguguluhan ako sa sarili ko ngayon.
Sa totoo lang hindi ko talaga kilala ang sarili ko.
Alam ko ang pangalan at pinagmulan ko, pero hanggang dun lang ang nalalaman ko.
Ang engot...
Ay, ang gulo-gulo ng mundo. Bakit pa ba ako nabuhay dito?
Ang hirap naman ng ganito.
Wala akong kahihinatnan nito, e.
Ang labo...
Hinahanap ko ang sarili ko.
Kaya lang, saan ko hahanapin 'to? At paano?
Wala akong patutunguhan. Pakiramdam ko naliligaw ako.
Kapag iniisip ko ang kinabukasan ko, walang pumapasok sa isip ko.
Pakiramdam ko palaging may kulang.
Hindi ko maintindihan.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home