Acads, Trabaho at Responsibilidad
'Eto ang ayaw ko sa lahat e:
TRABAHO at RESPONSIBILIDAD. Dagdagan pa ng madudugong major subjects ko ngayon:
Anthro 101, 197 at SW101.
Kumusta naman?! Secretary pa ko sa dalawang orgs ko.
Shet.
I can think of those as challenges, pero masnaiisip kong problema lang ang dulot ng mga iyon sa akin.
OPS. Ayokong isiping ganun. Lalo lang masisira ang ulo ko.
CHALLENGE!!! KAYA ko 'to.
It's just a state of mind.
Kailangan lang i-program ang isip ko na kaya kong pagsabayin ang lahat.
Una sa lahat ang acads.
Saka na ang iba.
Pero may isa pa kong problema!!!
At yun ang pinakanakakadistract sa lahat.
Sana hindi siya makahadlang sa aking mga gawain ngayong semestre.
Isa pa, kailangan ko lang i-enjoy ang bawat sandali ng aking pagiging haggard.
Medyo nae-excite ako na kinakabahan.
What if I failed to meet my orgmates' expectations?
Well, that is another problem. Ang main concern ko muna ngayon ay gawin ang lahat ng aking makakaya.
Kailangan lang ma-stimulate ang aking sarili na matutunan kong magustuhan ang aking mga gawain. KAilangan ma-realize ko na may mabuting maidudulot ito para sa aking kinabukasan.
Medyo nagkakaroon na ng landas ang aking buhay. As time goes by, I see oppurtunities opening, even though they are limited.
Gusto kong pumasok sa forensics!!! Pangarap ko ngayong makapasok sa NBI o kahit saang Investigation agency.
Gusto kong ipagpatuloy ang aking pag-aaral sa physical anthropology, most likely osteology.
Ngunit maraming factors na kailangan isaalang-alang.
Kung gusto ko talaga, hindi magiging hadlang ang mga factors na yon.
Ngunit ang main concern ko muna ngayon ay maka-graduate at matuto ng kailangan kong matuto sa anthropology para makatuloy ako sa forensics.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home