Saturday, April 01, 2006

Manhid uli

Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin ngayon.
Wala akong maramdaman.
Autistic?
Wala na akong matinong maisip.
Marahil ay sanhi lang ito ng sunud-sunod na mga gawain ko nitong nagdaang linggo.
Dapat napapagod ako ngayon, pero kahit yun, hindi ko maramdaman.
Batong-bato na ako sa mga nangyayari sa buhay ko.
Masyado akong nag-iilusyon.
Masyado akong napapariwara.
Hindi ko pa rin alam kung saan ako patutungo.

Siguro
Siguro naghahanap lang ako ng takas.
Masyadong marahas ang mundong ito para sa akin.
Nakakahiya. Ang duwag-duwag ko.
Ayokong masaktan. Ayokong harapin ang realidad.
Nakakatakot.
Pero alam kong ito ang katotohanan.
Malungkot.
Wala pa rin akong magawa.

Sa ginagawa kong ito'y lalo ko lang sinasaktan ang sarili ko.
Alam ko 'yon.
Inutil.
Anong dapat kong maramdaman?
Anong dapat kong gawin?
Wala akong maramdaman.
Gusto kong umiyak at ilabas ang lahat ng mailalabas ng luha.
Pero wala ni isang patak.
Nakalimutan ko na rin ba kung paano umiyak?
Nakakalimutan ba kung paano magalit, paano matuwa, paano malungkot?
Wala akong alam gawin kundi ang tumawa.
Wala akong ibang alam gawin kundi ang magtago.
Wala akong ibang alam gawin kundi ang mag-ilusyon.

Gusto kong maging masaya.
Ayoko nang mamanhid sa lungkot at galit.
Gusto ko nang kalimutan ang lahat.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home