Weeeee...!!!
Weeee!!!Makakapag-post na uli ako sa blog ko!
Alam niyo ba? May Friendster na ko, kaya lang wala pa akong prends...
oo nga pala, HAPPY-HAPPY BIRTHDAY sa lahat ng mga prends ko na ipinagdiwang ang kanilang mga kaarawan nitong nakaraang linggo: si Gemma, si Kris at si prend Patty.
Wahahaha!!!Gurang na sila!Yaak!
ANG INIT-INEEEEEEEEEEEEEET!!!LINTEEEEK!!!
Para akong nasa loob ng isang malaking oven!
Para akong nasa impiyerno!
...hangal, nasa impiyerno ka na.
Oo nga.
Nakakatamad kumilos...
Ano kayang magandang gawin...
Ay!Alam niyo ba, naaadik na naman ako sa The Sims?!
Hwekhwekhwekhwek...ang korny.
Natutuwa kasi akong gumawa ng malaking bahay...
Alam ko naman kasing hanggang panaginip lang ang pagkakaroon ng malaking bahay, lalo na sa panahon ngayon.
O DIYOS ng mga hangal na tao!
Bakit ninyo pinapabayaang maghirap ang mga nilalang dito?!
Hwag na hwag mong sabihing isang pagsubok ang kahirapang ito para subukin ang lakas at tibay ng loob ng mga tao!
"Manalig kayo sa panginoon at ililigtas niya kayo!"
Putyaaaah...
Nakakatakot dito. Puro mga siraulo...
Ay. May naalala na naman ako... nung thursday, Feb.24, nagpunta kami nina ebak at SPO1 sa Tribu, kase nga may Akustik Nyt ang LAYA apps.
OK naman, kaya lang palpak dahil hindi sumipot si Boggs, yung dapat na provider ng sound system.
well...ganyan talaga ang buhay...
Life is always unfair...
in other words, life is never fair...
O di ba?Ang galing galing!!!
Sa may Philstres dumaan yung jip na sinakyan namin nung pauwi na kami.
May nakasabay kaming sasakyan ng mga Bgy. tanod na nagwa-wang-wang...
Biglang tumigil yung jip.
Siyempre, dahil likas na mga tsismoso't tsismosa ang mga Pinoy, nagsidungawan silang lahat sa labas ng jip...
Nung una, ayoko pang makidungaw kasi natatakot ako sa maaari kong makita...meron akong feeling na masama ang nangyari...
ENGOT! Kaya nga may wang-wang at nagmamadali yung mga Bgy. tanod e...
Pero dahil Pinoy ako...
...at likas akong tsismosa...
...nakitingin na rin ako.
May lalaki...
nakahiga sa gilid ng kalsada, nakaposas, duguan.
Hinila siya ng isa pang lalaking may hawak na kahoy.
Nagmistulang lantang gulay ang katawan ng lalaking duguan...
nakakaawa...
Biglang may sumigaw: Tama lang yan! 'Tangna'ng 'yan!
May sumang-ayon: Oo nga! Hindi na dapat binubuhay ang mga tarantadong tulad n'yan!
Sa loob loob ko: nakakaawa nga e. Parang hayop kung ituring siya ng kapwa niya tao.
Wala akong alam kung ano ang nagawa niya...kung anong kahayupan din ang ginawa niya...pero naaawa lang ako...
Ayoko na talaga dito!
Hayop ang tingin ng mga tao sa isa't isa.
Lahat ng ginagawa ng mga tao sa mundong ito ay kahayupan...
Ginagawa tayong mga hayop ng mga halimaw ng lipunan!
Paslangin ang mga halimaw!
Paslangin!
Paslangin!
gusto ko ng ice cream...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home