Kaguluhan
Masyado nang magulo ang mundo ngayon.
Ewan ko kung bakit.
Parang nakakapagod na tuloy mabuhay.
Parang nakakasawa nang magpatuloy.
Hanggang ngayon 'di ko pa rin alam kung saan ako pupunta.
Nawawala pa rin ako.
Tulungan ninyo ako.
Ang dami ko pang gustong malaman.
Ang dami ko pang gustong puntahan.
Ang dami ko pang gustong makita.
Ang dami ko pang gustong gawin.
Pero bakit pakiramdam ko nauubos na ang oras ko?
Bakit parang hinahabol ako ng panahon?
Bakit parang nahuhuli ako?
Masyado nang magulo ang mundo ngayon...
Kaya ko pa kayang magpatuloy?
0 Comments:
Post a Comment
<< Home