Thursday, July 06, 2006

May Crush Ako

Nabasa ko yung mga naunang posts ko dito sa blog ko.
Wahaha. Ang korny ko pala. Ang pangit ng pagkaka-kwento ko.
Prang di kapani-paniwala.

E bakit ba??? Kanya-kanyang diskarte lang yan.

E... ang panget kasi. Naiinis lang akong basahin.

Walang kwenta mga adbentyurs ko.

Anukaya't mamundok naman ako minsan nang may bago akong mailagay dito sa jornal ko...

Hay. Tangamang yan... Ang hirap sumakay sa Katipunan kanina.
Bumaha pa dun sa palagi kong pinag-aabangan ng jip.
Yak. Nabasa ng maruming tubig ang mga paa ko.
Eww... Hala. Baka magka-leptospirosis aku!!!
May sugat pa naman ako sa paa tapos nabasa ng baha.
Mamamatay na ko!
MAmamatay na ko!
Mamamatay na ko!
HIndi lang yan. Naka-sakay pa ko sa isang patok na jip na may preskong konduktor at drayber.
Pinara ko yung jip. Nagkamali ako kaasi punong-puno na pala. Pero tumigil pa rin para isakay ako. At sa harap pa 'ko pina-upo.
Ayon sa aking obserbasyon, medyo special kasi ang upuan sa harap ng patok na jip.
Para lang sa drayber at konduktor ang harap.
Hindi sila nagpapasakay ng mga lalaki sa harap at pinipili nila ang mga babaeng papaupuin sa harap.
Madalas mga tinedyer na may mga hitsura at mukhang madaling utuin.
May hitsura ako, no doubt about it...Waaaaahahah!
Pero mukha ba kong uto-uto?
Anyhow, pinatulan ko na.
Diyoskopo. Halos 20 minutes na 'kong naghihintay ng jip na masasakyan.
Ang lakas ng ulan at nagsisiksikan ang mga tao sa ilalim ng tulay. Baha pa.
Nakakainit ng ulo.
Kaya naman napasakay na ko sa patok na yon.

Traffic. Ang init sa loob ng siksikang sasakyan. Habang yumuyugyog ang jip dahil sa lakas ng rock music, nagtanong ang konduktor: "Ate, mahirap bang sumakay?"
SAbi ko, "Oo. Ang daming tao at ang lakas pa ng ulan. NAkakainit nga ng ulo e."
Akala ko titigilan na kong kulitin ng konduktor. Maya-maya, silang dalawa na ng drayber ang dumadaldal sa kin.
Haha, makiki-ride nga ako, kung sabagay nakasakay na rin lang naman ako sa jip nila...
Medyo nakaka-bore nga naman ang biyahe. Ang haba ng trapik. Kaya dinaldal ko rin sila.

Hindi naman masyadong matanong si konduktor. Sumasakay ka ng FX? Nag-LRT ka ba at bumaba sa Katipunan? Saan ka sumasakay sa umaga? Nag-aabang ka ba sa NGI sa umaga?
Ay sige, interview to. Ako namang si gaga, nagdadalawang isip kung magsisinungaling o ano.
Sapakin ko na lang kaya para tumahimik na...

Nasa Concepcion kami nang...
"Anu nga pala pangalan mo?" tanong ni konduktor.
Ops.
Teka, sasabihin ko ba o-
"Cyril."
"Ano, Sheryl?"
"A, oo." Wala naman talagang nakakakuha agad ng pangalan ko.
"Nice meeting you. Ako naman si (nakalimutan ko na)." Sabay abot ng kaliwang kamay sa akin.
Di ko pinansin. "E si mister driver?" Pilit kong iniiba ang usapan.
Sinabi naman ni mister driver ang pangalan niya pero nakalimutan ko rin agad. Inabot din niya ang kanan niyang kamay habang nakahawak sa manibela ang isa.
"Okey... Ay, diyan na lang ako sa tabi.Para."

"Sakay ka uli sa 'min ha?"
Sagot ko, manifest:"O sige, basta ba libre e."
latent:"In your dreams, pare."

Actually, medyo sanay na 'ko sa mga ganitong sitwasyon dahil ilang beses na rin nangyari sa kin 'to. Unang beses, dinaldal ko rin yung konduktor at yung drayber. Feeling close kahit hinde, may discount pa 'ko sa pamasahe. Sumunod na nasakay ako sa harap, inisnab ko yung konduktor at drayber. Mula Barangka hanggang sa amin hindi ako tinigilan ng pagpaparinig at pang-aasar. Madalas naman hindi ako dinadaldal dahil madalas, pag sa harap ako nakaka-upo ay nakasimangot ako. Kunwari mainit ang ulo para di na pakitunguhan. Pero madalas din na nakikita ko sa salamin na tinititigan ako.
BULAGA! Huli ka. Dukutin ko 'yang mata mo e. - nasasabi ko na lang sa sarili ko.

Okay. Change topic. Saka ko na i-aanalyze ang pangyayaring 'yon. Masyadong konti ang data ko para gumawa agad ng mga haka-haka. Sarili kong insights muna ang masasabi ko kaya medyo biased ang pagkaka-kwento ko.

***
Omay... May crush ako.
Sa wakas may crush na uli ako.
Since _____hindi na ko uli nagkaroon ng matinong crush.
Kaya lang... hrrr. Masyado akong excited, nasabi ko tuloy agad sa dalawang frendly chuchus ko.
Wala na. Ang korny na tuloy.
Hmph. Nawalan na ko ng gana...
Di ko na siya uli crush.
Bakit ganun, once na inamin ko sa sarili ko na crush ko yung someone, naguguluhan ako.
Nakakainis.
Sana pala di ko inamin agad para na-cherish ko yung mga kilig moments.
Iba na kasi pag may ibang nakakaalam. Malalaman na may hidden agenda ako.

Shoot. MAli.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home