Tuesday, March 01, 2005

May homework ako sa Math1

May h.w. ako sa math1. wala lang, share ko lang...

Ano bang nangyayari sa 'kin?

Magkakaroon na ba ako, kaya nagkaka-mood swings ako?

Hindi ko maintindihan ang sarili koh!
Ano bang nangyayari sa 'kin?

Bihira akong maka-usap nitong mga nakaraang araw...napapansin ko ngang lagi na lang akong tumatahimik bigla.

Actually, hindi naman talaga ako makaka-usap ng matino kasi lagi na lang akong tumatawa...

Magk'wento ka sa 'kin at tatawanan ko ang mga pinagsasasabi mo...

kahit sinong magk'wento sa kin tinatawanan ko lang,
nagmumukha na nga akong tanga sa harap nila e...
siguro naba-bad trip sila sa 'kin.

Tinatawanan ko'ng lahat:
problema,
tagumpay,
kasiraan,
lab layp,
jokes,
at kahit sobrang korny na mga jokes, bentang-banta sa 'kin.

Sa totoo lang sumasakit lagi ang pisngi ko kakatawa, kakabungisngis.

Pero sa totoo lang hindi ko pa naririnig ang totoong halakhak ko, malamang hindi ko pa nagagawang tumawa ng totoo, yung tawa pag masaya talaga ang isang tao.

Marahil totoo nga,
mahirap mang aminin,
hindi talaga ako masaya sa totoong buhay ko.

Eto ako, si Cyril.
Laging nakanigiti, tumatawa.
Automatikong pagtawa ang reaksyon ko sa lahat ng bagay, parang halakhak na inirekord lang, parang sirang plaka na paulit-ulit lang.

Malungkot ako.
'Yan ang totoo.

Kelan ba ako totoong ngumiti o tumawa?

Ang hirap tandaan...
siguro nung bata pa ako,
...siguro nung una akong nagkaroon ng Barbie at Polly Pocket
-sinorpresa pa ako ng nanay ko nun
...siguro nung una akong natutong mag-bike
-ibinili pa ako ng tita ko ng sarili kong bike nun, ipinamana pa ng lolo ko yung antigo niyang visekleta sa akin
...siguro nung birthday ko sa Batanes,
na ang handa ko ay puro lobster at crabs na paboritong-paborito ko na nagdudulot naman sa akin ng allergy
...siguro nung isinama ako ng tita ko sa HongKong,
tapos kumain kami ng breakfast, lunch at dinner buffet, na hindi nawawalan ng napalaking selection ng mga matatamis tulad ng chocolates, cheesecakes, icecreams at pastries...

Ang kasiyahang dulot ng mga produktong kapitalismo ang nararanasan ng halos lahat ng tao ngayon...
kasiyahang dulot ng mga materyal na bagay...
kasiyahang hindi naman totoo.

Kelan kaya ako tunay na magiging masaya?

Maaari kong sabihing masaya na ako pag nagkaroon ako ng high-tech na celfon.
Ngunit anong ipinagkaiba ng kasiyahang iyon sa kasiyahang dulot ng isang pulang lobo sa isang batang paslit?

'Di ba pareho lang?

Ang kasiyahang dulot ng mga materyal na bagay ay panandalian lamang...
ang kasiyahang hinahanap ko ay yung magtatagal ng panghabambuhay.

Kaya lang, mukhang imposibleng makita ko yun sa ganitong klase ng mundo.

Lahat ng nakikita ko ay puro kahirapan, puro kalungkutan.
Pa'no ka makakahanp ng tunay na kasiyahan sa isang lugar na lason ang pagkain?
sa isang lugar na ingay ang laging naririnig?
sa isang lugar na kahit pagsinghot sa sariwang hangin ay di mo pa magawa?

Nasasakal ako,
hindi ako makahinga.

Mamamatay ako dito.


Ngunit bakit ganon ang mga tao?
Sadya bang mahalaga sa kanila ang buhay,
kaya kahit gaano kahirap ay pilit pa rin nilang binubuhay ang sarili?
O sadya lang silang mga siraulong nilalang na gusto lang magpakasakit sa mundong ibabaw?

Nananatili pa rin ang konsepto ng pag-asa sa makikitid nilang mga utak,
sa makikitid nating pag-iisip.

Di ba, kaya patok na patok ang mga superheroes ngayon dahil sa pag-aasam ng maraming tao na may darating na isang mala-diyos na nilalang na magliligtas sa kanila mula sa kahirapan at kagipitan?

Si Krystala,
ang Mulawin
at ang coming soon na Darna...

Niloloko niyo lang ang sarili ninyo...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home