Impeksyon
Nagkasakit ako.
Halos isang linggo nang masakit ang katawan ko.
Hindi ako makakain kasi ang sakit sakit ng lalamunan ko.
Haah. mamamatay na ata ako
Maga ang mga labi at lalamunan ko.
May singaw ang bibig ko.
Ang dami kong gustong kainin!!!
Pero kahit tubig, hindi ko mainom.
Dalawang doktor na yung pinuntahan ko-
Sabi nila pareho may impeksyon daw ako
kaya binigyan nila ako ng antibiotic.
Tangamang yan.
Ang nakakainis, hindi ako nakapag-exam sa Anthro192.
Tapos may deduction pa ko sa exam ko sa SW kasi hindi ako nakasunod sa instructions.
PALPAK!!!
AAAARGH!!!
Napanaginipan ko pa kagabi yung exam sa anthro-
nakita ko si mam mangahas
nakita ko yung exam questions
ang haba-haba ng exam
tapos, may crossword pa
lahat ng mga kaklase ko nag-eexam na
pero ako nakatayo sa may pintuan ng classroom
pinagtatawanan ako ng mga kaklase ko
tapos sabi sa kin ni mam mangahas: "Bumalik ka na lang."
nakangiti pa siya
Huwaaaaaaaah.
Nakakainis.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home