Ang buhay ko ngayon
Lagot...2 linggo na lang, hindi ko pa natatapos yung sigsheet ko sa LAYA.
Katatapos lang ng long test ko sa PanPil kanina,
nawala lahat ng enerhiya ko, nahigop ng mahaaaaaaaaaaabang pagsusulit na 'yon.
Oo, nakakapanghina talaga...
Taga-pulot pa naman kami ng mga soccerballs kanina sa tournament ng LAYA...
Tapos ang init-init pa!
Magiging pollwatcher nga pala ako bukas. Gagabihin ako kaya masaya na naman ako: kasi hindi ko na maaabutang gising ang mga tao dito sa bahay pag-uwi ko, hindi ko na makikita ang pagmumukha nilang lahat!
Sawang-sawa na ako sa pagmumukha nila,
lalo na sa nakakasukang pagmumukha ng siraulo kong ama.
Pag tumutingin ako sa kanya parang lalo akong nanlulumo...
Tila siya si kaawaawa...
dahil wala na naman siyang pera.
Para sa kanya pera ang lahat, hindi niya kami napapansin, kaming mga anak niya.
Kung pansinin man niya kami puro pasigaw na mura, puro panggagalaiti, puro paninisi.
Magastos daw kami masyado.
Magastos.
Tinitingnan niya kami bilang isa sa mga liabilities niya, hindi bilang mga anak na mamahalin, na gagabayan.
Tinitingnan din niya kami bilang mga taong may pang-ekonomikong halaga lamang---pinag-aaral niya kami para daw magkaroon sila ng aking ina ng maginhawang buhay pag kumikita na kaming magkakapatid.
Ang kinalabasan, naging gago at siraulo din kami tulad niya.
Hindi siya masaya sa acheivements ko.
Masaya siya para sa sarili niya dahil gagradweyt akong may honors nung patapos na 'ko ng hayskul, dahil alam niyang may makukuhanan na naman akong bagong scholarship, menos gastos sa bulsa niya, hindi siya mahihirapan sa paggastos sa akin sa kolehiyo.
Ganon naman siya e...
Ayaw niyang siya ang nahihirapan, gusto niyang iba ang naghihirap para sa kanya.
Kaya ngayon nasa abroad ang nanay ko.
Pilit niyang pinupunan ang pagkukulang ng tatay ko.
Ang nanay talaga, ano kayang pinagkaiba ng buhay ko ngayon kung wala akong tatay?
Kung iisipin ko, masmadali para sa akin ang buhay kung wala ang tatay.
Pareho lang din naman e. Wala naman siyang nagagawa;ang lola ko naman ang nag-aalaga sa amin, minsan siya din ang nagsu-sustento sa amin pag di pa dumadating ang padala ni nanay o pag di pa nakakapagbayad ang mga hinahatid-sundo ni tatay. Kaming dalawang magkapatid ang nag-aasikaso sa mga gawaing bahay-nagluluto, naglalaba, namimili ng paninda at tumutingin sa tindahan.
Meron naman siyang nagagawa, kaya lang hanggang linis lang ng pinakamamahal niyang sasakyan. Para sa kanya, sila lang ang mga bagay na may silbi.
Pero itong mga nakaraang araw...hindi na rin namin nagagawa ang lahat ng mga dapat namin gawin dito sa bahay.
Nakakahiya tuloy sa lola ko...ang bait-bait niya.
Sawang-sawa na kami sa ganitong klase ng buhay...kaya pilit kaming naghahanap ng mga bagong bagay na mapagkakaabalahan sa labas ng bahay.
Naiiwan tuloy yung maliit naming kapatid...
Kelan matatauhan ang tatay ko?
Hindi naman siya ganun kasama...makitid lang ang pag-iisip niya.
Sa sobrang kaiisip sa mga bagay na nakaasa sa kanya, hindi na siya makapag-isip ng tama.
Praning ang tatay ko.Kailangan lang maliwanagan ang kaisipan niya.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home