Hay hay hay!
Bakit ganito ako ngayon?
Nalulungkot ako for no apparent reason.
Pakiramdam ko may nawalang something.
May naputol na relasyon dahil sa isang kalokohang ginawa ko.
May nagbago. May nag--iba.
May something na nagaganap.
Sana alam ko kung anong nangyayari.
Bakit ko ba pinahihirapan ang sarili ko ng ganito?
Masyado na naman akong nag-iisip.
Aksaya sa oras, e wala namang katuturan ang mga pinag-iisip ko.
Buti sana kung may sense-e, wala.
Hay hay hay!
Parang ang sarap tumira sa isang isla na malayo sa lahat ng kaguluhan ng mundo.
Parang ang sarap magpalutang-lutang sa dagat at kalimutan ang lahat.
Namimiss ko ang mga panahong wala akong ibang iniisip kung hindi ang pagbabakasyon sa Pantabangan upang makapaglaro sa kabundukan, makalangoy sa ilog, langhapin ang bango ng amoy na dala ng dapit-hapon, at matakot sa mga kwento ng matatanda tungkol sa mga malignong lumalabas tuwing gabi.
Gusto kong maglakbay.
Gusto kong makatuklas ng mga bagay na hindi pa nalalaman ng iba.
Gusto kong lumayo sa lahat ng bagay na nalalaman ko ngayon.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home