Sunday, March 11, 2007

Haggardo Verzosa!

Haggardo Verzosa talaga ang linggong itech.

TANGAMANG YAN. hanggang ngaun wala pa rin akong nagagawa para sa paper namin ni ate rica sa ling125 at para sa etnograpi namin nina lui at carmela sa anthro173!!!

Pressure pala ha?!

Ayan! Kitang kita sa nagmamantika kong mukha ang pressure na hinihintay ko!!!

Masyadong maraming kailangan isipin.

Op op op!
Eto na naman. Praning na naman aku!!!

tsk
sa totoo lang, hindi naman talaga acads ang problema ko e.
well, ang yabang ko naman kung sasabihin kong hinde.
teka, i-rephrase ko lang uli...

Sa totoo lang, may iba pa akong mabigat na iniisip bukod sa acads.
At pakiramdam ko, masyado na itong nakakasagabal sa aking buhay- bahay, acads, labas.
Teka, wala nga yata dapat ang acads ehh.

Bukod sa pinakamalaki kong problema na wala pang patutunguhan ang buhay ko, masyado kong pinagtutuunan ng pansin ang "feelings" ko para sa isang tao.

Omaygolay. Is dis wat dey col lab?

Hindi ko pa rin matanggap.
Hindi ko matanggap sa sarili ko na minsan iniisip ko na ipagtapat sa kanya.
Nangako ako sa sarili ko na ititigil ko na to
pero sadyang matigas ang ulo ko at malambot ang puso ko.
tsk tsk labo
TAE! Di ko alam ang gagawin!

Bumibigat pakiramdam ko pag nakikita ko siya.
Ang daming awkward moments
May kakaibang feeling na di ko maipaliwanag
Palagi ko siyang naiisip!
Parang masmalapit ako sa kanya pag malayo siya at parang masmalayo naman ako pag nariyan siya!
ang labo...

TAE,ang tagal tagal na nito hanggang ngayon, di ko pa rin ma-figure out!!!

Para na kong sirang plaka.
Paulit-ulit na lang to!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home