Sunday, March 04, 2007

Violent reaction

That was just a dream.
Nothing has really happened.

Sana panaginip lang ang lahat.
Tae.
Gusto ko ng magising.

Naiinis ako sa sarili ko.

Ang panget kaya ng ganitong feeling.
Yung pakiramdam na parang wala akong silbi
Wala akong kwenta
Walang patutunguhan
wala
wala lahat.

Hindi ko na kaya

Hindi ko nga alam kung paano i-eexpress nararamdaman ko ngayon.

Parang yung pakiramdam na nabo-bobo, lost, halu-halong lungkot, galit, hiya.
Parang lahat ata ng nega nasagap ko.
Okey sana kung ako lang ang nega, ang problema, nandadamay pa ako.

Ano nga bang nangyayari sa kin?

Ang sakit sa ulo isipin.

Ganito na ba ako ka-bobo?
Tangama.

Kanina sobrang tanga ko.
May ginagawa kaming paper ng grupmates ko.
Tae. Something's really wrong with me.
Ok naman ako nung umaga, ang saya saya ko nga e.
Habang pinag-uusapan na namin yung paper, feeling ko, nalo-lost ako.
Sumakit ulo ko tapos lagi nila ako nahuhuling natutulala.
Naiintindihan ko naman yung sinasabi nila kaya lang hindi ko ma-grasp yung kabuuan.
Maybe I'm thinking far too much.
Nag-aayos pa lang kami ng data, pag-aanalize na yata yung ginagawa ko.
Lalo ko lang pinagugulo ang isip nung dalawa.
Ang daming umiikot sa isipan kong gusto kong sabihin kaya lang hindi ko masabi.
Hindi ako makapag-communicate sa kanila ng maayos.

Yun ba talaga ang nangyayari, o yun lang ang iniisip kong nangyayari?
Tae.
Am i just making an excuse for my kabobohan?

Kanina, nawala talaga ako sa sarili ko.
Ang tanga tanga ko.
Na-send ko sa ibang tao yung text message ko para sa isa.
POTANGAMA.
Buti na lang wala akong nalagay na KAKAIBA dun sa msg na yun.
Nagwala tuloy ako.
Shet. OBYUS ba? Tae.
Ako mismo ang nagpapalaki ng isyu.
Wala naman siya sigurong iisping iba kung hindi naging ganun ka-violent ang reaction ko.
Akala ko kasi mabubuko ako.
Katapusan na ng mundo para sa akin pag nalaman niya.

Actually, yun lang naman talaga ang dahilan ng lahat e.
Takot na takot akong malaman niya.
Kabog ng kabog ang dibdib ko.
Nanginig ako.
Pano kung may nasabi ako dun sa txt na yun?
Pano kung nalaman niya kanina?
POtangama...hindi ko alam ang gagawin ko
LAlo tuloy akong na-distract.
TANGA!!!
HIndi ko lang matanggap na ganun ako ka-tanga.
Pilit akong naghahanap ng rational na dahilan kung bakit nangyari yun.
Wala.
Ang dahilan ko lang: Siya kasi lagi ang nasa isip ko nito.
AT medyo nagiging distractive at destructive para sa akin ang pag-iisp na yun.
Bakit ganun? Bakit lahat na lang ng ginagawa ko laging dapat tungkol sa kanya?
Bakit lahat na lang ng nararamdaman ko'y may kinalaman sa kanya?
Bakit parang nagiging anino niya ako?!
Mukha nga akong aso, sunod ng sunod sa kanya.
Ano to?!
HIndi na 'to normal.
There's really something wrong with me.
Alam ko yata ang dahilan
pero ayokong aminin.
HIndi ko matanggap na ganun.
Tae. HIndi dapat ganito.
I can't take this anymore!!!

Ayusin mo nga ang sarili mo.
Masyado kang nagpapaapekto sa mga bagay bagay.
Nakakalimutan mo na ang mga kailangan mong gawin.

Masyado akong apektado sa mga bagay na iisipin niya tungkol sa akin
Siyempre, tungkol sa akin na naman to
Itutulog ko na nga lang.

Oo. Pinahihirapan ko lang ang sarili ko.
Hayy...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home