Friday, February 09, 2007

LECHE!!! plan!!!

Kahapon may nagsabi sa akin na pakipot daw ako.
LECHE!
Sabi rin niya, palitan ko na daw kasi si Kuya Mark para hindi na ako maging "laughing stuff".
LECHE!

Pero syempre, sabi niya, joke lang daw yun.
Alam ko namang joke lang eh.
But still, uminit pa rin ulo ko.

Naalala ko dati nung sobrang asar na asar ako sa kanilang lahat.
Gusto ko nang pagpupukpukin ang mga ulo nila.
Makita ko lang sila dati, umiinit na ang ulo ko.
Pero siyempre kunwari cool pa rin ako.
Smile. Ayaaan.
Ok lang. Sige lang asarin niyo pa ako.
MAY ARAW DIN KAYO MGA TAE KAYO!
Plastic.
Baka masira ang byuti ko pag sumimangot ako.
At wala akong mapapala kung papatulan ko sila.
Let them do what they want to do.
Ako naman itong si eengot-engot, pakitang tao na parang wa-epek.
Ayun, hanggang ngayon inaasar pa rin nila ako.

Akala ko dati, pag hindi ko sineryoso at pag hindi ko pinansin, magsasawa rin sila sa pang-aasar.
Hah, darating ang araw na titigilan din nila ako.
E putangama!
Bakit hindi pa dumarating ang araw na 'yon?!

GAP GAP GAP GAP GAP GAP GAP GAP GAP GAP GAP GAP

AYUS!!!

Natutuwa naman ako at nagiging dahilan ako ng tawanan nila.
Laughing stuff nga.
Bagay na pinagtatawanan.
At least napapasaya ko sila.

Putangama. Sinong niloko ko?
Paano ako?
Sinong pagtatawanan ko?
Ano ko siraulo?
Pagtatawanan ko ang sarili ko?

Teka teka. Pano nga ba nag-umpisa 'to?

Sa aking pagkakatanda, inasar nila ako kay kuya mark dahil may crush daw siya sa akin.
Eeek! Ayaw kong mag-feeling. Kaya pinabayaan ko na lang.
At saka, hellooow???
Kuya mark?
Kuyang-kuya lang talaga ang dating niya sa kin e.

Nung panahon ding iyon namin nalaman ng kapatid ko na may "textmate" ang gago kong ama.
Yun yung mga panahon na naghahanap ako ng mga kaibigang mahihingan ko ng tulong, masasabihan ko ng problema, mapaglalabasan ko ng galit. In short, yun yung mga panahon na super lost ako. Super, as in. Ngayon ko lang narealize kung gaano ako ka-lost noon. Yung tipong, ayokong umuwi sa bahay. Ayokong makita ang pagmumukha ng ama ko.

Yun yung mga panahong naghahanap ako ng ibang bagay na mapagtutuunan ng pansin.

Naghanap ako ng mga taong makakaintindi sa akin.
Una ko siyempreng pinuntahan si Tintin.
Ooops, sorry. Her family is so perfect. Di siya maka-relate.
Okey...
Ayoko nang guluhin buhay niya.

Hmm, mukhang wala. Busy sa pang-aasar sa akin kay kuya mark ang mga laya at anthro frends ko.
Okey, pabayaan sila...
Ayoko namang maging KJ.
Sige, makiki-ride na lang ako.

Nawili akong pumunta sa bahay ni kuya ty.
Doon kahit papano nakakalimutan ko.
Sige. Sige.
Asar dito, asar doon.
Okey lang.
Mas masaya naman ako sa labas kaysa sa bahay.
Mas matitiis ko ang pang-aasar kaysa pagmumukha ng tarantado kong ama.

Natatandaan ko dati, napag-usapan din namin ni Kuya ty yung tungkol sa ama kong walanghiya.
He must've think that i am weak and pretty vulnerable that time.
Sorry, pero hindi ko maiwasang hindi isipin na he took advantage of my condition then.
Putangama.
Nilalandi niya kaya ako.
At ako naman tong si eengot-engot na kunwari manhid, kunwari i'm so naive, so innocent.
Yuck, ang feeling.
Tama na ang palabas.
Siya kaya ang nagpasimuno ng GAP.
Siya ang promotor ng lahat ng pang-aasar kay Kuya Mark.
Ang samasama niya, kaibigan pa man din niya si Kuya Mark.
Sa totoo lang, naaawa ako kay Kuya Mark.
Pero tanga-tanga ko nga. Nakisali naman ako sa pang-aasar nila.
I feel guilty tuloy.

Guilty.
Hah!

I think I owe Kuya Mark an apology.

Sa totoo lang, hindi naman si Kuya Mark ang isyu ko dito e.
Kahit sino namang manligaw sa akin nung mga panahon na yon, wala talaga sa akin e.

Ops teka teka.
E di ayon na nga, nanligaw nga si Kuya Mark at lalo kaming naging laughing stuff.
May panahon talaga na nagalit ako sa kanya kasi parang ang duwag-duwag niya.
Helloooo?! Ang tanda-tanda na niya, ganun pa rin siya?
At what da hell to him nung sinabi niya sa akin na mahal niya ako.
Di ba nakakainit ng ulo?
Hindi ko maiwasang hindi isipin na libog lang 'yon.
Ahahaha, masyado na akong nagfi-feeling.
Hindi naman sa sinasabi kong incapable na magmahal si Kuya mark.
Ang hindi ko lang matanggap, at hindi ko maintindihan, ay kung paano nangyaring minahal niya ko ng ganun-ganun lang.
Eeek. Ang freaky. Ang creepy.
He doesn't even know me!!!
Kahit nga frends ko, hindi alam ang tunay na ako, siya pa kaya na tuwing training ko lang nakikita?
Di ba?
Correct me if I'm wrong.
Paano niya ako minahal?
Mahal niya ako physically?
Well, this is just my opinion.
Hindi ko na nagawang pakinggan ang side niya.

At ayun nga.
Ang isa pang nakakaasar na parte ng Kuya Mark Isyu na yon ay yung mga taong nang-aasar.
Their jokes make me feel na parang ina-assume nila na por que niligawan ako ni Kuya Mark ay gusto ko na rin si Kuya mark.
Helloooooooo?!
Mga tae sila.
Para silang mga bata.
They never think about my side.
All they think about is Kuya Mark's side.
Kung magsasalita ako, sasabihin naman nila, nagpapaapekto naman daw ako.
Bakit daw ako naaapektuhan?! Blah blah blah!
Ayun, lumalabas ako si pakipot.
Ako ang masama at si Kuya Mark ang kaawa-awa.

But I can't take it anymore.
Okey lang sa kin yung usual na GAP GAP GAP GAP GAP GAP.
Aaminin ko, natatawa rin ako dun.
PUTANGAMA WAG LANG AKONG TATAWAGING PAKIPOT.
Parang ina-assume na gusto ko rin si Kuya Mark e.
I KNOW WHAT I WANT.
AND I DON'T WANT KUYA MARK AS A BOYFRIEND.
OKEY? OKEEEY?!
At saka, hindi nga pala naging kami ni Kuya Mark. Kaya WALA AKONG KARAPATANG PALITAN SIYA DAHIL KAHIT KELAN HINDI SIYA MAGIGING AKEN, AT HINDI AKO MAGIGING KANYA!!!
OKEEEY?!
CHAROOOOOOOOOOOT!!!

I hate myself for being so nice.
whoo... am i?
I know I am.
Walang kokontra.
Hindi ko masabi-sabi 'to sa harap ng mga pagmumukha nila.
Kahit anong init ng ulo ang idulot nila sa akin, hindi ko pa rin makuhang magalit sa kanila ng sobra sobra dahil sa simpleng dahilan na mga kaibigan ko sila.
Nagpapaka-martyr ba 'ko?
Parang ang laki-laking parte nila sa buhay ko!
E kung ganyan lang din ang mga kaibigan ko- yung tipong hindi ako maintindihan, palagi akong inaasar, mga siraulo't baliw- 'di bale na lang.
Pero, 'di ko rin kayang balewalain ang kasiyahang nararamdaman ko tuwing kasama ko sila.
Nakakainis naman kayo o!!!
Kung 'di ko lang kayo mahal matagal ko na kayong pinagsasapak e!

Oops, kailangan laging mukhang masaya.
Kailangan laging positive...
Wag nega.
Masisira ang maganda kong pagpapanggap.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home