Friday, April 22, 2005

gahol

gigising

iihi

aayusin ang higaan

kakain

maglilinis

kakain

manonood

uupo

tatanga

nakanganga

mag-iisip

kakain

manonood

matutulog

hindi ako tumae...

Tuesday, April 19, 2005

tago

ewan...

ano na naman kaya ang nangyayari sa mundo?

mayro'n akong nabasa.

nakakagulat.

hindi ko alam kung anong sasabihin ko,
kung anong iisipin ko.


nakakatakot.

pa'no kung lahat ng tao ay tulad niya?
pa'no kung lahat ng tao ay tulad ko?

Sunday, April 17, 2005

aaa...

OO.
Nakakabagot talaga ang buhay...
May mga oras na wala kang magawa.
Meron namang mga panahong napakarami ng kailangang gawin.
Bakit gano'n? Hindi balanse ang buhay.

Oo nga pala...kumusta kaya ang mga grades ko ngayong sem?
Hmm...medyo kinakabahan ako sa french at sa panpil.
Lagot,kelan kaya ang bigayan ng mga classcards...
Pakialam ko ba...basta pumasa, okey na muna sa 'kin 'yon.
...pagbubutihin ko na lang sa susunod.

Parang sinabi ko na 'yon dati a...

Naalala ko...buwisit na CAP 'yan!
Dahil sa kapalpakan nila, hindi ako nakabili ng soccer shoes.
Inuna ng mga magulang ko ang tuition ng kapatid ko...
siyempre...
Wala rin akong pera sa birthday ko...

'tangamaaah...

(sa AMA raw gustong mag-college ng kapatid ko.)

Ahhh, bakit ko ba pinoproblema ang sarili ko?
Ngayon ko lang napagtantong madamot pala ako.
Andami-daming taong hindi makatulog sa kaka-isip
kung saan sila kukuha ng makakakain...
Tapos ako---

E, ano bang pakialam ko sa kanila?

Ang sama-sama mo...

'Yun ang buhay nila e. At wala rin naman akong magagawa
kung kaawaan ko sila, 'di bah?

Kahit na. Masama ka pa rin...

Lahat naman ng tao masama e.

At anong masama sa pagiging masama, kung lahat ng tao ay masama?

...survival of the fittest.
Lahat tayo ay hayop...
Hayop ka,
Hayop ako,
Hayop tayong lahat!

Hahaha.

Wala akong maisip.
Waaah!Sori, hindi na ako nakakapaglaro ng futbol!
Buwisit 'tong ama ko e...
Ayaw akong palayain sa selda ko...
At ginagawa pa 'kong labandera dito!
'tang ama niya...
'tong ganda kong 'to?!
hanggang labahan na lang ba ang byuti ko?!

Hinde ako papayag!

Ibagsak ang patriyarka!!!

Bwahahaha!!!

Tuesday, April 12, 2005

...

wala akong magawa...
bakit kaya?
sana may laro ng futbol bukas para makaalis na naman ako dito.

miss ko na agad ang skul...
kahit nakakapagod, masaya naman pala.
kaysa naman naka-tambay dito sa walang k'wentang lugar na 'to.

gusto ko uli maglaro ng futbol.
haha, dalawang beses pa lang akong nakakalaro kasama ang mga taga-laya.
at sa wakas!
member na 'ko ng LAYA!!!
weee...
nakakatuwa-andami ko nang kakilala.
matututo na rin ako sa wakas ng futbol.

kelan kaya ako magkakaroon ng soccer shus?
mmm, ang mmmahaaal naman e...
yung nakita ko sa adidas almost 2,500
nagmamagandang loob ang pinsan ko.
sabi niya humingi siya ng soccer shus ko kay tito roli.
sana totoo...

naging member ako ng LAYA noong april 3, sunday.

hindi ko pa pala nailagay dito...

saka na...tinatamad ako e.

nakakatamad ngayon 'no?
ang iniiit!

Monday, April 11, 2005

TALANGKA,HIPON AT ALIMASAG

Nakakapagod...
Ang init...
Ang sakit sa ulo.

Ayoko na rito!
Ang papangit ng mga tao rito sa bahay!
Nakakatakot sila.

Ahahaha...nagawa ko ring makalayo dito sa lugar na 'to ng ilang araw.
Nagpunta ako sa Zambales...
Tapos, nag-swimming kami sa Laguna...
Pero nandito na naman ako...

Aaminin ko, habang nagba-biyahe kami pauwi galing Zambales, pinagdadasal ko na sana mahulog sa bangin yung bus na sinasakyan namin.
Tapos magpapagulong-gulong papuntang dagat yung bus...
Tapos lahat ng mga kasama kong pasahero ay makakaligtas, ako lang ang mawawala.
Ahahaha!Ang saya-saya!

At 'yon nga,
ayoko na sanang umuwi sa amin...

Kasama ko ang aking lola at ang kanyang kapatid sa pagpunta sa Zambales...
Binisita nila 'yung bunso nilang kapatid na napadpad doon noong minsang bumagyo sa Batanes.
Natangay daw yung bangkang sinasakyan ng kapatid nila kaya napunta ng Zambales...
Ahaha. Jok lang...

Tatlong araw kami doon, ang boring nga e...
Puro mga senior citizen kasama ko...
Nahihiya nga ako kasi ako lang yung walang discount sa pamasahe.
Sabi ko sa konduktor na estudyante ako kaya dapat may discount din ako.
Sabi ba naman sa akin: "E, wala na namang pasok ngayon, ah!"

Bwisit.

May malapit na ilog dun sa bahay ni Lolo Tino(yung kapatid ng lola ko).
Isang araw, kumuha kami ng mga shells, yung kinakain.
Ayoko ngang sumisid-yak!
Malinis yung ilog kaya lang, ang daming mga hindi malamang nilalang sa ilalim ng tubig.
Baka may humila na lang bigla sa paa ko...mamatay pa ako.
Kaya nagpunta na lang ako sa pampang ng ilog...at ang dami kong nakitang talangka!
Natuwa ako.
Pinag-tripan ko nga.
Ang hirap palang humuli ng talangka.
Pero ang ku-kyut nila.

Ayoko pa sanang bumalik ng Manila.
Ngunit nalaman kong marami rin palang mga siraulo sa Zambales...

May isang kapitbahay si lolo Tino na gusto raw magpakilala sa 'kin.
Ang yabang, kinokontrata raw ng MWSS 'yung tatay niya. Sila raw yung mga naghuhukay sa iba't ibang parte ng Manila, 'yung mga naglalagay ng tubo sa gitna ng daan.
"A, oo!Nakakainis nga yung mga 'yun e. Kaya pala butas-butas ang kalsada kasi hinuhukay ni'yo." sabi ko.
Buti na lang hindi na siya sumagot. Umalis na lang siya.

Isa pang siraulo ang nakilala ko nung namili kami ng lola ko sa palengke roon...
Habang bumibili kami ng isda, may nangalabit sa lola ko.
" Manang, pengeng piso." sabi ng lalake.
" Wala!Anong piso?Magtrabaho ka! " sabi naman ng lola ko.
" Lab, pengeng piso." sabi sa 'kin sabay kalabit sa braso ko.
ulol.

Pagka-bili namin ng isda, pumunta kami sa grocery para bumili ng sigarilyo...
Habang bumibili kami ng sigarilyo, kinalabit na naman ng lalake 'yung lola ko.
" Manang, pengeng piso."
" Tarantadong 'to! Ikaw yung kanina a! Wala nga, magtrabaho ka!"
" Lab, pengeng piso." kalabit sa 'kin sabay sahod ng kamay.
ulol.

Pagka-uwi namin, tumawag yung tita ko.
Isasama raw niya ko sa Laguna, magsi-swimming daw kami.
Siyempre, sama naman ako.
'Kailangang makalayo sa lugar na'to. Mamamatay na 'ko rito.'

At nag-swimming nga kami.
Isang private pool sa Pansol ang pinuntahan namin.
Putya naman, andami pala ng mga kasama...
at maraming bata...
at ginawa nila akong salbabida kasi malaki nga ako at hanggang leeg ko lang ang pinakamalalim na parte ng pool.

Dumating din ang panahong kailangan ko nang umuwi ng bahay.
Kailangan e...
Tambak na ang labada ko, wala nang isusuot yung mga tao.
Nangingitim na rin ang mga bedsheets---yak!
Wala na raw akong ginawa kun'di ang umalis ng bahay...
" Magtrabaho ka!"

Pagka-uwi ko, hipon at alimasag naman ang ulam nila.
Wow, sugpo.
Mahal 'to a. Sayang naman kung hindi ako kakain...

Kaya ngayon may tumubong kung ano sa gilid ng labi ko...
Nakaka-allergy pala 'yun.

'Tangama.
At 'eto na naman ako...
balik sa realidad.