Monday, March 19, 2007

Way into love

Yiiik! LSS ko ngayon ay Way back into love na kinanta nina drew barrymore at hugh grant.

Hay... kaka-in love ang song...

Whooo!

Reporting namin sa Anthro 173 bukas!

Tae, kayanin ko kaya ang powers ni Sir Skilty?!

Kaya? Kaya ko!!!

Weh, heto na naman ako...
Baka mamaya, magkabulul-bulol na naman ako kakapilit magpa-impress kay (-toooooooooooot-).

Wahahahahah! Wag naman sana...

Hindi ako magpapa-impress, hindi ko kailangan magpa-impress!

Tae, kinakabahan lang akoooh!

Whoooo...
hinga, hinga...
hindi na naman ako makahinga ng maayos, tae.
Masyado talaga akong pasaway.
HEeheeheee, inuubo na ko, kumain pa ko ng ice craze sa jolibi...
teehee...

e, nilibre ako ng putangama ko e!
masama raw tumanggi sa grasya...

Report with lui and carmelli na bukas!

Kaya ko to.
Kaya ko to.

Kahit hindi ko alam ang sasabihin ko, kaya ko pa rin to!!!
Wahahahahaha.
TAE!!!

Wala pa rin ako pera para sa field...
Tae, hindi ko makausap ng matino nanay ko kanina nung tumawag siya.
Hindi ko masabi kung gaano kalaki ang gagastusin ko...
...lalo na't alam kong wala talaga siyang makukuhanan ng pera.
Huhuhuhuh...
I'm so sorry nanay...
Pramis, babawi ako. Babawi talaga ako.

Hay fieldwork.
HIndi na lang ginawang research work eh, 'no?

Gusto ko matuto ng tamang fieldwork.
Pero ano nga ba ang tama?
Sa tingin ko, mali kasi ang ginagawa ng dept. ngayon eh.
Mejo contradicting ata dun sa mga itinuro nila sa amin nung una.
Anung agenda nila at bigla nilang binago ang sistema?