Monday, March 12, 2007

Pagliliwanag

Sige sige.
Subukan nating liwanagin ang lahat.

Panu ko ba uumpisahan?

Ganito.

Problema: (Anu ba talaga ang problema ko?)
Pag-ibig?
- tsk. Nag-iba kasi talaga ang pakikitungo niya sa kin e.Napapansin kong medyo malayo na kami sa isa't isa.Huhuh, 'di na katulad nung dati na feeling ko, super close kami. Kaya nga ako na-'envelop' sa kanya e.
- Medyo may pagka-ilang din akong nararamdaman, o baka dahil ilang din ako sa kanya kaya ganun?
- Di na kami masyadong nakakapag-usap. Pag kaming dalawa lang, parang ang hirap pumili ng bagay na pag-uusapan? Hindi ako makapag-open ng magandang topic kaya madalas, tumatahimik na lang ako.
- Baka masyado akong conscious. Minsan kasi naiinsecure ako pag kausap ko siya. Masyado kasi siyang magaling mag-isip kaya dapat magaling din akong mag-isip pag magka-usap kami. Sa tingin ko, dapat malaman lagi ang mga sasabihin ko sa kanya para hindi ako mapahiya. Nagpapa-impress? Mukhang ganoon na nga... Pero ang problema, hindi ko siya napapa-impress sa akin sa mga ginagawa ko. Parang ako pa yata ang gumagawa ng dahilan para lumayo siya sa akin.
- Sa text lang kami nakakapag-usap ng matino ngayon. Hindi ko siya makausap ng maayos pag magkaharap kami. Siguro kasi hindi ako makapag-isip ng matino pag kaharap ko siya? Tae. Ganun ba? E pero, bakit hindi rin niya ako kinakausap pag magkaharap kami? Panget ba ako? Mabaho? O nega siya sa akin? Pero sa text, ok naman kami...

*O, so lumalabas na ako ang may problema sa pakikitungo sa kanya.

Anong gagawin ko ngayon sa sarili ko?!
Hindi ko makontrol ang dapat i-kontrol!
(hmm... anu kaya yun?) Tae!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home