kamunduhan
hahaha, sa wakas, nakapag-blog uli ako.
Muntik ko na makalimutan password at username ko.
Eto, busy ako ngayon sa pagte-training sa LAYA. Masaya naman e...
at medyo nakakapagpapayat!
Grabe, ano na bang nangyayari sa Pilipinas ngayon?
Bulok na bulok na ang sistemeng umiiral dito,
kaya naman hindi nakakapagtakang pati mga utak ng tao dito ay bulok din.
Ano kayang mangyayari sa buhay ko?
Meron na kong pangarap!
Gusto ko magkaroon ako ng sariling bahay. Hindi naman yung sobrang malaki, gusto ko yung meron akong enough space. At may magandang-magandang garden.Gusto ko kakaiba yung architecture, parang nasa gubat ako...
At 'yon nga. May pangarap na 'ko. Kaya lang nakakainis! Siyempre kailangan kong magkaroon ng pera para makapagpagawa ng bahay. Ano kayang magiging trabaho ko?
Hay, ang dami ko pang gagawin, 'eto na agad ang pinoproblema ko.