Tuesday, January 31, 2006

O Diyos Ko.

O Diyos Ko.
Sino ba ang Diyos ko?
...'di ko alam.
Ikaw? Alam mo?
Hahehe...
Ang panget na ng blog ko.
Hmm, paano ko ba mapapaganda 'to?
Wala pa akong magandang adbentyurs e.
Wala tuloy akong magandang maisulat.
Hmmm...

Sunday, January 22, 2006

Inuman Blues

Pwede bang itigil muna ang pag-ikot ng mundo?
hehehe, ang korny. Spoliarium ang pinapakinggan ko ngayon e...
hay...nakakatuwa ang e-heads.
Ang simple lang ng mga kanta nila pero ang daming sinasabi tungkol sa lipunang pinoy.
Ang galing. Sana ganun lang din kasimple ang buhay tulad ng mga kanta nila.
wala lang...

alas-2 na ng umaga nagba-blog pa rin ako.
Kakauwi ko nga lang.
Galing na naman ako kina kuya ty.
Grabe, nitong nagdaang linggo, masmatagal ko pang kasama ang mga orgmates ko kaysa sa mga tao sa bahay.
Uuwi lang ako para matulog, kumain, maligo, at magtoothbrush.
Nakakawalang gana naman kasing umuwi dito...nakikita ko na naman ang otangama ko.
nakakainit ng ulo kahit presence lang niya...
Hay... nagkukunwari pang concerned nitong gabing 'to... wala naman talaga siyang pakialam.
Kung 'di kaya niya ako pinakikinabangan, saan kaya ako pupulutin ngayon?
Kung 'di kaya ako sa unibersidad nakapag-aral, buhay pa kaya ako ngayon?

Ang sakit sa ulo.

Sinasadya ko talagang gabi umuwi nitong mga nakaraang araw...

Nais kong makalayo sa totoong mundo.

Sa kabutihang palad, may natagpuan akong masayang mundo...
isang mundo kung saan tumitigil ang oras
isang lugar kung saan malaya ang mga tao
isang lipunan kung saan halos kapantay ko ang lahat
isang tambayan...
isang bahay...

at parang isang tahanan na rin...

Ang LAYA.

Dalawang beses lang akong nakipag-inuman sa mga tao sa samahang iyon.
Red horse? Di ko alam na malakas pala akong uminom.
Hindi kasi ako talaga umiinom ng beer. Mas sanay ako sa brandy, tequilla, gin...'yung mga ganoong tipo.
Tomadera kasi ang lola ko. Kaunti na nga lang maaari na siyang bansagang alcoholic. Buti naagapan namin...
Ayun... matagal na niya akong tinuturuang uminom. Ako 'yung may ayaw.
Isinumpa ko ang alak nung unang beses na tumikim ako.
Ang laking palaisipan sa akin dati kung bakit gustong gusto ng maraming tao ang alak samantalang ang pangit-pangit naman ng lasa.
Ngunit sabi ng lola ko, hindi naman daw tinitikman talaga ang alak. Nilalaklak lang.

Lately ko lang na-realize na medyo masarap pala ang feeling pagnalalasing na.
Ang daming nawawala sa ayos. Nagugulo lalo ang magulo nang mundo.
Pero ang masaya dun, kahit alam mong masmagulo at masakit sa ulo, masaya ka pa rin.
'Di ba?
Siguro dahil nalalaman kong hindi lang pala ako yung may pinakamalalang sitwasyon.
Madalas din kasing pag-usapan sa mga inuman yung bagay na laging pinoproblema ng mga tao:
ang pag-ibig.

Nakaka-intriga.
Bakit kaya masyadong obsessed ang tao sa pag-ibig?
Totoo kaya? Meron nga ba talagang pag-ibig?
Pag-ibig sa mundong materialistiko?
Minsan naiisip ko rin isa lamang ilusyon ang pag-ibig.

May mga mahal nga ba ako?
Mmm...mahal ko ba ang sarili ko?
Paano ko mapapatunayan sa sarili kong mahal ko ang ibang tao kung hindi ko naman alam kung paano magmahal?

minsan tinanong ko yung ibang tao...
"Paano ma-in love?"
Sagot nila...
"Iba e...'di ko maipaliwanag."

Shet...nawiwirduhan na ko sa mga pinagsasabi ko.

saka ko na nga lang itutuloy 'to.