Thursday, May 25, 2006

The 19th year

Bukas ay umpisa na naman ng bagong taon sa aking buhay.
Hala... tumatanda na ako, wala pa rin akong plano sa buhay ko.
Bakit ganun?!
Nung maliit pa ko, andami-dami kong gustong gawin!
Gusto kong maging doktor, gusto kong libutin ang buong mundo, gusto kong yumaman- magkaroon ng maraming-maraming pera at magpakasarap sa buhay.
Dati wala akong pinangarap kundi ang makuha lahat ng gusto ko:
-kumain ng kumain ng maraming tsokolate, kendi, keyk,
ice cream at lahat ng matatamis na pagkain hanggang sa mamatay ako sa diabetes.
-bumili ng maraming sapatos na tama ang sukat sa aking mga paa at hindi kamukha ng sapatos ni McDo
-magkaroon ng malaking bahay na may malaking garden na may maraming puno
Napakasimple lang ng buhay ko noon. Ang babaw.
Hindi katulad ngayon. Halos malunod ako sa kahirapang aking nakikita at nararanasan.

Kung kailan nabigyan ng linaw ang mga bagay sa aking lipunan, saka lalong nagulo ang aking isipan.
Kung kailan lumaki ako, saka ko nalaman kung gaano kaliit ang aking magagawa.
Kung kailan dumami ang aking kaalaman, saka ako lalong naging tanga.






Nawalan ako ng pangarap.
Lalo akong naguluhan.
Biglang naging kumplikado ang simple kong mundo.

Isa lang ang tanging puno't dulo sa problema kong 'to: PERA.
... pengeng pera!!!

Monday, May 01, 2006

Ang Labo nun!

Ewan ko ba kung ano na naman ang nangyayari sa akin...
Nung isang araw may pinatumba ako habang naglalaro ng futbol.
Tangama, ilang araw kong dinamdam yung ginawa kong yon...
...NA-TRAUMA?
Parang ayoko na maglaro ng futbol uli...
Nakakasakit lang ako ng iba...
huhuhu...

Bakit ko nga ba ginawa yun?
Tsk tsk tsk, ang labo nun...

Hindi ko naman talaga kailangan gawin yun e.
May nagsabing hindi ko na nakokontrol ang sarili ko.
NAKAKATAKOT.
Waaah... paano kung masmalala pa dun ang gawin ko nitong mga susunod na araw?

Ayoko na...
It came to a point na parang ayaw ko na rin magpakita sa iba...

SORRY.