Tuesday, January 30, 2007

Look What You've Done

Oh, it seems like such fun
until you lose what you have won
Ah, look what you've done
You've made a fool ... of everyone

Take me back my point of view!

I'm not myself again.
Or maybe, this is the real me...
Yiii...scary.

I'm overwhelmed by all the experiences
all the people
all the differences
all the emotions, feelings.
I don't know which is true.
Which is real?
Am I imagining things again?
Is this what I really see?
Or is this what I only think I see?
Is this what I really feel?
Or is this what I only think I feel?
Do I really have to think?
Or do I only have to see and feel?

There's nothing wrong about criticizing things.
Is there?
I'm afraid to think, to overcriticize, to overinterpret, to generalize, and theorize.
I'm afraid to change reality, to alter it, to analyze what should be not.
I'm afraid to impose my world upon the world of others.

Objectivity is power.
But is there such a thing?

What is real?

Material culture is real.
Anything physical is real.
There's no doubt about it.

Ideas, feelings, emotions.
Are they real?

Reality

Belief

Realities and beliefs are shared.

Shared experiences are true.

But what about those which are not?

What if the feeling, emotion, or idea was experienced by only one entity?
What if it was not mutual, not shared?
Is it real? Is it true?
Would others believe it is real?

Are realities also relative? subjective?

Friday, January 12, 2007

Tae Days

Hmm... Nakadalawang cup na ko ng kape
At natatae na rin ako gaya ng ibang kasama ko rito sa bahay
Hindi na ko makatulog gawa ng pagkataranta sa pagrerebyu para sa quiz mamaya kay skilty
Wala pa ko sa kalahati
at eto ko ngayon, nagb-blog habang pinipigilan ang paglabas ng jebs
yak
Ayan, ako naman ngayon ang maglalabas ng sama ng loob!

Ang dami nang nangyari sa buhay nitong nakaraang buwan.
Unang-una nagpunta kami sa Bukidnon.
Iyon ang isa sa mga pangyayari sa buhay ko na hinding-hindi ko malilimutan.
Ang daming nangyari sa akin, sa amin.
Sa loob ng isang linggo nagkaroon ang batch namin ng tila hindi matatawarang samahan
Nakilala ko sila
At hindi ko napigilang ipakilala sa kanila ang ilang bahagi ng aking pagkatao
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang napagkatiwalaan ko sila
Pero siyempre may pag-aalinlangan pa rin ako
Ganito rin kaya ang tingin nila sa akin?

Ayun, halos ilantad ko sa kanila ang buo kong pagkatao
Buti na lang sa bandang huli, napigilan ko pa ang sarili ko
Hindi pa siguro ako handa na magtiwala ng lubos sa iba

Meron pa rin ilan sa buhay ko na hindi ko masabi sa kanila
Pero siguro ganun naman talaga
Feeling close lang ba 'ko o close na talaga kaming lahat?
Napakaplastik ko talaga.
Iniisip din kaya ng ito ng iba?
Baka mamaya, nag-aasume na naman ako.
Pero mukha namang hindi.
Pakiramdam ko totoo lahat yon.
Minsan nga susubukan kong pagkatiwalaan na lang ang damdamin ko kaysa mabaliw ako sa kakaisip ng mga bagay-bagay

Sa Kitaotao
Ang daming nangyaring hindi ko inaasahang mangyayari
Maraming magagandang alaala ang nabuo
Nakakatuwa at nakakatawa
Meron ding nakakainis
Ang mahalaga, nakilala namin ang isa't isa
Hindi man ganun kalalim para sa iba,
at least nalaman namin na pwede naming pakisamahan ng ganun katagal ang bawat isa
Hopefully, matatantiya na namin ang ugali ng bawat isa upang maiwasan ang mga hindi pagkakaunawaan at kung anu-anong ka-negahan

Nababalisa lang ako tungkol dun sa naikwento ko sa kanila nung huling araw namin sa Davao
HIndi ko na maalala kung paano nag-umpisa
Bigla ko na lang nasabi sa kanila ang isa sa mga pangyayari sa buhay ko na pilit ko na lamang kinalilimutan
Nakakainis
Naiinis ako sa sarili ko
Hanggang ngayon nakatatak pa rin sa isip ko yon
Hanggang ngayon parang hindi pa rin ako nakaka'get-over' sa nangyaring 'yon
Pakiramdam ko, ang hina-hina ko
Nagsisisi ako kung bakit wala akong ginawa noon kundi manginig sa takot
Lalo ko lang natatandaan kapag pinipilit kong kalimutan
Hindi ko lang matanggap na nangyari sa akin 'yon
Hindi ko matanggap na gagawin sa akin ng tao 'yon
Noon ako nagsimulang magalit
Noon ko natutunang magpanggap
Noon ko rin na'realize' na wala akong ibang mapagkakatiwalaan kung hindi ang sarili ko
Noon ako nagsimulang magtago
At hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang takot.

Naging masama rin para sa akin ang field na 'yon
Marami akong napatunayan sa sarili ko
I've become someone I don't want to be.
Pwede ba yun?
Hindi ko matanggap ang sarili ko?
Magpapakamatay na lang ako

Ang daming nangyari sa buhay ko na hindi ko ginusto
Kung sabagay, ganoon yata talaga ang buhay.
Namimiss ko ang elementary days ko, noong napakasimple pa ng buhay
noong wala pa akong masyadong alam kaya wala akong pakialam sa mundo
noong ang pinoproblema ko lang ay ang pagsubaybay sa mga palabas sa tv.

Kailangan lang sigurong tanggapin ko na lang ang mga nangyayari.
Mahirap.
'Pag tinanggap kong hindi kasalanan na magkaroon ng ibang babae ang ama ko,
parang tinanggap ko na ring hindi kasalanan ang pumatay ng tao.
Ano pang silbi ng simbahan?

Sabi ko na kalokohan lang lahat yun e.

E sino bang may sabing tanggapin ko?
Ano ngayon ang gagawin ko?
Tanggapin ko man o hinde, nangyayari pa rin ang mga nangyayari.

Nadede-moralize ako.

Nawawalan ng kulay ang buhay ko.

Kahit pag-ibig ko mali.
Is there such a thing as falling in-love with a wrong person?
Culturally, I think there is.
Can love transcend cultural boundaries?
I hope so.
Is love a cultural construct?
Maybe.

Sa totoo lang, nalulungkot lang ako e
Aalis na naman ang pinakamamahal kong ina
Ang saya ng pasko at bagong taon namin dahil kumpleto ang pamilya namin
Dapat pakiramdam ko masaya rin ako
Pero hindi
Hindi na pamilya ang tingin ko sa amin ngayon
May lamat
May hindi tama
Naninikip ang dibdib ko tuwing makikita ko silang masaya
Gusto ko sanang maging masaya rin
Ngunit kahit anong pilit ang gawin ko,
Iba ang nakikita ko

BInalak namin ng kapatid ko na sabihin sa aming ina ang lahat
Ngunit tuwing makikita ko siyang masaya
Nararamdaman ko ang takot
Natatakot akong mapalitan ng luha at hinagpis ang mga ngiti at halakhak niya
Mahal na mahal namin ang aming ina
At ang mga pinakakinatatakutan ko ay ang mga bagay na magdudulot ng lungkot at sakit sa kanya
Kasi higit na masakit para sa akin ang makitang nasasaktan siya
Aaminin ko,
masmaganda para sa akin kung hindi na lang siya umuwi rito para sa Pasko
Hindi siguro ako nasasaktan ng ganito
Mahirap din magpaalam na naman sa kanyang muling pag-alis
lalo na't alam kong ilang taon na namang hindi namin siya makakapiling
Hindi rin mawala sa isip ko na masposible kaysa imposible na hindi na siya muling bumalik sa amin.

Bakit pinagkalooban ako ng tamad at walang kwentang ama?
Kasalanan niya kung bakit nangyayri sa akin lahat to e.
Putangama ko.