Assessment
Ang buhay nga naman...
Nag-iisip ako kung ano ang mahahalagang mga pangyayari sa buhay ko nitong mga nakaraang araw...
Pero wala akong matandaan.
Weird.
Parang ang labo ng pag-iisip ko ngayon.
I can't think right.
ano ba?
I-outline ko nga:
Meron akong iniisip na tatlong aspeto ng buhay ko ngayon:
1. Acads
2. Pamilya
3. Lovelife
Sa maniwala kayo't sa hindi meron akong lovelife!
Meron din acads! Hello, estudyante ako. Dapat lang meron ako nito. At hindi rin ako makapaniwala na siguro 50% ng buhay ko ay may kinalaman sa acads. Tae. Bakit ba pinagbubuhusan ko ng panahon 'tong bagay na 'to? Hm, kung sabagay, naniniwala naman akong para rin naman sa ikauunlad ko ang pag-ppriotize sa acads.
Komersiyalisasyon ng edukasyon. Hahah. This is such a pathetic country. Oops. Sorry. Dati, iniisip ko kasi na kaya lang ako mag-aaral sa college para magkaroon ako ng magandang trabaho at para kumita ng malaking pera. 'Yon ang dahilan ng mga magulang ko kaya nila ako pinagkakagastusan sa pag-aaral ngayon. Pero habang tumatagal, nababago ang pananaw ko tungkol sa mga bagay-bagay. Hindi na lang pera ang dahilan ko ngayon para mag-aral. I want to do something for humanity- something that can change the world!
Tae. Bakit ko gagawin 'yun? Ano ako, mutant? Superhero? Hahaha.
So far, masasabi ko na mabuti naman ang acad life ko. May mga natutunan ako, bagong kaisipan, bagong perspektibo sa mga bagay-bagay. Hindi pa naman ako nagsasawang matuto. Nagsasawa lang akong mag-comply sa mga requirements ng mga prof. Tae. Paper! Paper! Paper! Exam! Exam! Wala na ba silang ibang maisip na paraan para malaman kung natututo sa kanila ang mga estudyante nila? Maging creative naman sana sila sa evaluation measures nila. Papers and exams are so boring. Ganun na lang lagi. Nakakasawa. Hahaha, ang yabang ko.
Pamilya. Tae. I don't want to talk about it muna. Skip skip Skip!
All i can say is, I miss my family. I miss the things we used to do together, those moments when i feel loved. I was so happy and i felt secure. I miss those moments i spent with them- those moments when i feel like i couldn't ask for anything more than to be with them. Those were the days when we were still a family.
Now, it's all gone.
LOvelife! Para sa akin, eto ang pinaka-exciting na part ng buhay ko ngayon.
Kahit supernega, i still like the feeling that i'm loving someone.
Ironically, love makes me feel so numb. I can't feel anything else. Weird.
Yun muna. Natatae na koo.