Wednesday, August 17, 2005

analysis

Habang tumatagal, lalo kong nakikita ang kaibahan ko sa mga tao dito.

Hindi kaya- hmmm.

Baka hindi ako tao.

Baka hindi sila tao.

Baka lahat sila siraulo.

Teka, hindi kaya ako ang siraulo?

August 16, 2005

Ang saya ko kasi tapos na yung exam ko sa socio11.
Bwisit, ang gulo-gulo ng mga piangsususulat ko dun.

Pero masnaguguluhan ako sa sarili ko ngayon.

Sa totoo lang hindi ko talaga kilala ang sarili ko.

Alam ko ang pangalan at pinagmulan ko, pero hanggang dun lang ang nalalaman ko.

Ang engot...

Ay, ang gulo-gulo ng mundo. Bakit pa ba ako nabuhay dito?

Ang hirap naman ng ganito.

Wala akong kahihinatnan nito, e.

Ang labo...

Hinahanap ko ang sarili ko.

Kaya lang, saan ko hahanapin 'to? At paano?

Wala akong patutunguhan. Pakiramdam ko naliligaw ako.

Kapag iniisip ko ang kinabukasan ko, walang pumapasok sa isip ko.

Pakiramdam ko palaging may kulang.

Hindi ko maintindihan.

Tuesday, August 16, 2005

Siguro hindi ganoon kasimple ang buhay dito sa mundo tulad ng iniisip ko.

Masyadong magulo. Hindi ko alam kung saan ako lalagay.

Masyadong maraming iniisip at kailangang isipin.

Nakakapagod mag-isip. Ang sakit sa ulo. Hindi ko na alam kung anong iisipin!

Bakit kaya ganoon sila? Bakit kaya ganito ako?

Ayoko nang mag-isip.