Monday, February 27, 2006

Euphoria and its antonym

Minsan hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Tulad ngayon, I feel like I'm not myself today. This feeling- I hate this. It's too confusing.
What if I'm really not what I think I am?
What if I'm not what others think I am?
I'm so afraid. I'm still lost. I still don't know where to go.
Especially now.
I feel like there's no one I can run to.
I feel betrayed. I feel alone.
Again, there is only me in this dark, empty world of mine.

I want to cry.

But what for? For self pity?

Poor me... No one cries for me.
What the heck am I thinking?
Who will cry for me? Who will care for me?
Who will understand me? Or at least, try to understand me?

No one.

I need someone. But there's only me. Me. There is no one. I feel so empty.
I tried to look for that place where at least I can fit in. But often, I feel too small or too big. I just can't find my place in their world.
I tried to look for that someone who will at least try to understand me. I trusted everyone I know. But that just makes me feel more foolish.

At first I thought it was that simple. I tried to fit in. I thought I can fit in.
But my own feelings betrayed me even more than other people did.

I swear I won't trust anyone, not even myself.
What am I thinking? Am I that stupid?
Am I just thinking too much?

Maybe I am the problem. Maybe I should stop thinking this way.
But what else can I do?

Aaaah... Should I press the delete button, or let other people see that I am weak?

I don't care. No one would even care.

Wahaha! This is so foolish.
Well, at least i can express myself...

AAAHHHHH!!! PUTANGAMA!!!
Okey, tama na ang pagmumukmok. Harapin ang katotohanan...
I-TAE na lang lahat ng sama ng loob!
Wahooo!!!
Sometimes I think ignorance is happiness.

Sunday, February 12, 2006

depresyon

MUNDO
GALIT!
POOT.
TRAYDOR!
PAG-IISA.
KALUNGKUTAN...

Wednesday, February 01, 2006

Magnifico and the Marakulyos

Hmm... ang dami kong gustong itayp, teka teka, nawawala na sila!
Ano nga ba yung iniisip ko?
Ahhh. Ang tanga tanga ko nitong mga nakaraang araw...
Ewan ko kung bakit pero asar na asar ako sa sarili ko.
Ang tanga tanga ko kasi!
Sinusubukan kong hanapan ng lusot yung mga katangahan ko at 'etong mga naisip ko:
Isang araw, nu'ng pauwi na 'ko galing iskul, na-trapik ako du'n sa may Marcos hi-way.
'Tangamang trapik 'yun, nagutom ako sa pagkaka-upo ko sa loob ng masikip at mainit na jip!
Sobrang batong-bato na 'ko dahil hindi umuusad 'yung mga sasakyan.
Nakaka-ilang text na sa 'kin yung ama ko: ' Uwi na! Baka makitulog ka na naman kung saan saan!' ' Uuwi ka ba o ano?' ' Lintek ka, umuwi ka na!'
Bwiset.
Wala akong magawa. Shiyet, pinagpapawisan na, jinajabar na ko.
Napatingin ako sa mga taong kasama ko sa jip.
Ang ilan natutulog. 'Yung iba nagtetext. Karamihan ay nakatulala.
Ewan ko ba kung bakit pumasok sa isip ko ang kapitalismo. Lahat ng gamit na dala at suot nila ay mga produkto ng sistemang kapitalista. Pati kaya ang mga iniisip nila, naimpluwensiyahan na rin ng umiiral na sistema?
(Ang hirap naman nito... Pa'no ko kaya mailalagay sa mga salita ang mga iniisip ko?)
Sa eskwelahan, madalas pinapalabas ng ilang mga propesor at estudyante na hindi nakakabuti sa maraming tao ang kapitalismo. Marami sa mga ipinapabasang readings sa amin ay tungkol sa mga kritisismo ng sistemang kapitalista. Nakita kong masama ang kapitalismo dahil ito ay nagpo-'promote' ng hindi pagkakapantay-pantay ng mga tao sa lipunan at opresyon ng masa.
Ngunit, kung hindi dahil sa kapitalismo, makakapag-blog ba ako ngayon?
Magkakaroon kaya kami ng kompyuter sa bahay?
Magkakaroon kaya ako ng celphone?
Magkakaroon kaya ako ng soccer shoes?
May suot kaya akong bra at panty ngayon?
Hindi ba't naging masmagaan ang buhay ngayon dahil sa tinatamasa nating mga produkto at teknolohiya mula sa mga kapitalista?
Kung hindi dahil sa mass production ng mga produkto, hindi tayo magkakaroon ng gamit na ginagamit natin ngayon. Salamat sa kapitalismo at may pagkakataon tayong maging kasimputi ni Kristine Hermosa, kasimbango ni Jennylyn Mercado, o 'di kaya'y kasing-seksi ni Diana Zubiri.
Salamat sa kapitalismo at nakakakain tayo ngayon ng fried chicken sa KFC, hamburger sa Wendy's, french fries sa McDonald's, at ispageti sa Jollibee.
Kung tutuusin, talagang naging masmadali ang buhay natin ngayon kaysa noong panahon ng lolo natin. Dati, kailangan muna nilang maghintay ng ilang araw bago nila matanggap ang sulat ng mga kaibigan o kamag-anak nila mula sa malalayong lugar. Ngayon, hindi na nga kailangang magsulat upang iparating sa iba ang mensahe. Papindut-pindot na lang ang mga tao sa kanilang celphone o laptop at ilang segundo lang, naipadala na nila agad ang gusto nilang ipadala.
Tunay ngang kamanghamangha ang ginhawang tinatamasa ng iba dahil sa kapitalismo.
Pero kailangan din nating isipin 'yung ibang taong hindi man lamang nakakakain ng tatlong beses isang araw dahil sa epekto ng kapitalismo. Harapin din natin ang katotohanang marami sa mga Pilipino ang sobrang hirap na hirap sa buhay.
Essential sa sistemang kapitalista ang pagkakaroon ng social stratification. Sa ating lipunan, halimbawa, nahahati ang mga Pilipino( in relation to their economic status) sa mga elitista, gitnang uri o middle class, at ang masa.
Dahil sa kapitalismo, hindi natin maikakaila na tumataas din ang standard of living ng mga tao. Pero dahil dito, lalong nagkakaroon ng malaking pagkakaiba ang mga mayayaman sa mahihirap. Sabi nga ng isa kong propesor, nagkaroon na sila ng magkaibang mundo. Magkaiba na 'yung uri ng pamumuhay, aspirations, food diet, kahit siguro values at kultura ng mga mayayaman kaysa mahihirap. ( Saan napunta ang gitnang uri?)
Nakakamangha lang kung paano nahuhubog ng sistemang kapitalista kahit pag-iisip at kultura ng mga tao. Kung iisipin, hindi ko naman talaga kailangan ng kompyuter. Maaari namang isulat ko na lang sa papel ang mga saloobin ko. ( Pero mga kapitalista pa rin ang nagpoprodyus ng papel at bolpen, di ba?) Sinong nagsabing kailangan naka-type at printed ang isusumiteng essays? Anong pinagkaiba nu'n sa hand-written?
Hindi ko naman talaga kailangan ng celphone. Masmagandang mag-usap ng personal, 'di ba?
Hindi ko rin naman kailangan ng soccer shoes. ( teka... ang hirap hanapan ng dahilan nito a...) Pwede akong maglaro ng futbol nang nakapaa?
Umm, sino ba kasi'ng may sabi na kailangan natin magsuot ng underwear?!
Ang So-en? Avon? Triumph? Bench?
* Kahit kaya ang notion natin ng kung ano ang amoy mabango at amoy mabaho ay idinidikta na lang din ng sistemang kapitalista? Mabaho ba talaga ang putok? Mabango ba talaga ang Rexona? Ang cologne? Sino'ng nagsabing mabango ang Camay?
Ang galing. Paano nagagawa ng sistemang kapitalista na gawing isang 'spectacle' ang isang walang k'wentang bagay? Paano ipinapasok ng mga kapitalista sa utak ng maraming tao na kailangan nilang bilhin ang isang bagay na hindi naman nila kailangan?
Likas nga lang ba tayong mga uto-uto? Matagal na tayong niloloko ng mga gahaman na kapitalistang 'yan pero parang lumalabas na natutuwa pa tayo sa panlolokong ginagawa nila.
Ang masakit pa nito, marami ang nagko-conform na lamang sa kapitalismo. Marami ang nag-iisip na wala na silang magagawa upang baguhin ang sistema dahil na-'ossify' na ang sistema sa buhay nating mga Pilipino.
"Ganyan na talaga e... May magagawa ka pa ba?"
Nagiging normal sa mata ng maraming tao ang mga bagay na abnormal.
Normal pa ba sa isang tao na kainin ang mga tira-tirang nahahalukay nila sa mga basurahan? Normal ba sa isang lipunan ang makakita ng mga batang lantarang nag-rurugby sa mga lansangan?
Normal ba na tumira sa isang kariton ang isang mag-anak?
Ito 'yung realidad ng ating mundong pilit nating iniiwasan:
Mga batang lansangan.
Iskwater.
Mga taong grasa.
Ang papangit nila. Ang dudumi pa. Nakakaawa.
Pero para sa akin, sila 'yung matatawag kong tunay na tao.
Sila ang realidad. Sila ang katotohanang hindi natin matatakasan.
Ang mundo nila ay mundo natin.
Araw-araw natin silang nakikita. Pero nagbubulag-bulagan pa rin tayo. Sa dami at dalas na atin silang nakikita, parang namamanhid na rin tayo sa awa sa kanila.
Ang dami nilang mga marakulyo sa mundong ito. Nakakaawa naman 'yung mga pinagdadamutan nila.
ddddd
Ngunit, ako'y naguguluhan pa rin sa sistema ng napakakumplikadong mundong ito!
May iba pa kayang mundo sa labas ng siyudad? Anong mundo kaya mayroon ang mga tao sa labas?