Meron akong ginagawang kalokohan ngayon.
Ang dami kong exams- sa Anthro187, Anthro181, sa Chem, at sa Ling.
May kailangan pa akong ipa-print na paper ko sa archaeo.
Hay nakooooooo...
Alam kong dapat nag-aaral na lang ako ngayon.
Pero nagpapaka-pariwara na naman ako.
Ayaw ko e...
Wala akong inspirasyon!!!
Kailangan ko ng inspirasyon!!!
Walang nag-uudyok sa akin na pagbutihin ko ang mga trabaho ko.
Ang hirap naman ng ganito...
Ibig sabihin ba nito, hindi ko gusto ang mga ginagawa ko?
Waah! Ayokong mag-shift! Masaya naman sa anthro e...
Nasa akin nga lang siguro ang problema- Oo, tamaaaaaaaaaaaaad nga ako.
Ngayon ko lang namalayang hindi ko pala pinagbubuti ang pag-aral ko.
Pramis, next schoolyear, magsisipag na ako.
Kailangan ko lang ng konting inspirasyon, konting motivation na pagbutihin ang ginagawa ko.
Kaya lang, anong kabuluhan ng lahat ng ito?!
Hindi ko pa rin alam kung saan ako pupunta!
Hindi ko pa rin alam kung anong gusto kong gawin!
Waaah! Naguguluhan na ako!
Wala pa rin akong pangarap...
Ang hirap naman nito.
Gusto kong pumunta sa dagat.
Wooo, summer na naman.
Kailangan ayusin ko na ang sarili ko.
Kailanagn ko nang mag-isip.
Mag-iisip na naman ako?
Hay, ibig sabihin ba nito, wala akong kultura?
Naalala ko yung sabi ni Sir Cabanilla...
Culture prescribes what people do.
Kaya mayroong kultura para hindi na mag-isip ng kung anong dapat gawin ng mga tao.
In a way, parang tama rin naman ang sinabi ni sir para sa maraming tao na nagpapadala na lang sa agos ng buhay...
Pero ako- anong ginagawa ko?
hay! Ang gulo!!!
Kailangan kong ayusin ang mga iniisip ko.
Minsan nakakabaliw na. Hindi na ko makapagsalita.
I always keep things to myself, minsan 'di ko na nakakayanan.
Minsan kailangang ilabas, pero wala akong outlet.
Tanging ang pwet ko lang ang maaasahan ko sa paglalabas ng sama ng loob.
O mais! Salamat sa Maykapal at meron akong pwet at mais!
Wahahah!
Ang sarap tumawa.
Ang sarap tawanan ng lahat.
Ang buhay ay isang malaking kalokohan.
Bakit kailangan kong seryosohin ang buhay ko kung gano'n?
Heh! Gumagawa ka lang ng dahilan para magpaka-pariwara ka na naman!
Huh, sino yun? Yiiii... scary. Baka nga meron akong personality problem!
Waaah, nakakatakot! Nakakabaliw to a...
Hindi, hindi. Psychological lang ang lahat.
Ang daming uri ng realidad sa mundong ito.
Minsan hindi ko na alam kung alin ang totoo.
(Siguro kailangan kong kumuha ng GE sa philosophy.)
Kailangan malaman ko kung paano nagsimula ang lahat, kung paano nagkaroon ng lahat.
Ang dami kong gustong malaman...
hindi ko tuloy alam kung saan ako mag-uumpisang maghanap ng mga kasagutan.
Gusto kong magkaroon ng maraming pera para makapag-ikot sa mundo.
Pero ibig sabihin, kailangan kong mag-conform sa hypocrisy ng sistemang kapitalismo.
Ayaw ko nga...
Sana magkatotoo yung wish ko du'n sa bulalakaw na nakita ko habang nakaupo kami nina Luui at Aisha sa Sunken garden.
Naroon na ang iniisip kong pangarap ko. Kaya lang, sa isang kisapmata'y biglang naglaho ang lahat.
Tsk, bakit lahat na lang ng gusto ko ay napakaimposible sa mundong ito?
Nakakainis.
Kaya siguro wala akong pangarap dahil iniisip kong hindi naman mangyayari ang gusto ko.
Ang hirap naman mabuhay sa mundong ito.
But then, bigla na namang nagbabago ang pag-iisip ko...
Everything about man is cultural.
Tao lang naman ang nagbibigay ng kahulugan sa lahat ng bagay.
Tao naman ako a? Well, at least, sa pagkakaalam ko'y tao ako.
Pwede akong magbigay ng sarili kong kahulugan sa mga bagay-bagay.
Pwede kong mabago ang mundo ko. Pwede kong gawin ang lahat ng gusto kong gawin.
Pero babansagan naman akong baliw ng ibang taong nakapaligid sa akin!
Anong dapat kong gawin?
Wah... nawawala na naman ako.
Kailangan ko ng paliwanag. Kailangan kong maliwanagan sa maraming bagay.
Tama na nga ang kalokohang ito.
Sa huli'y wala rin naman talaga akong magagawa.
Madadala pa rin ako sa agos. Kailangang sumunod sa itinakdang papel at mga gawain sa akin ng aking lipunan kung hindi, magiging deviant ako.
Hmmm. Kailangan kong pag-isipan ito ng mabuti.
Ngunit bago ang lahat...
Kailangan ko munang ipasa ang papel ko sa Archaeo.
Kailangan ko munang mag-aral para sa mga exams ko.
Kailangan ko munang magpadala sa agos ng aking lipunan.
Tsk. Nasayang lang ang oras ko. Mula sa wala'y bumalik na naman ako sa wala...