Saturday, April 29, 2006

Define Love

Why is human always fascinated by ambiguous concepts?

Love is one of the most unclear and confusing concepts I have ever encountered.
Does it really exist?
Is it universal?
Is it a feeling? An emotion? Or purely just a part of our imagination?
When I ask people to define love, or at least to explain how it is to love, or be loved, they have different answers. Most would say they really don't know.
Why is it so difficult to explain or define the concept that almost everybody is obssesed with?

Sometimes I think that love is just an escape,
a human construct,
an attempt to obstruct reality.

How is it to love?

Is LOVE different from LUST?
How can you differentiate love from admiration?
from infatuation?
from obssession?

Someone once told me that he loves me, even though he doesn't know me.
I said that's impossible.
I don't know how he felt that way. I started to question myself, and question him, even though I did not ask him.
How can he explain that what he's feeling towards me is not lust, not admiration, not infatuation, nor obssession?
If I ask him what love is, would he give me a concrete answer?
Would he be able to explain the ambiguity of the concept?

How true is love?
How can you prove that it is real?
Is it more than just an imagination or a human construct?

Love, love, love.
Some say that without it, there's emptiness.
Love is just another complexity in the human mind, just like faith.

But then, my insights are purely etic.
(Etic?! How can that be? I am a part of this society!)
I might sound like a person who does not know how to love, or how to be loved.
Maybe I'm just not aware of my own behavior.
Maybe the problem is me.
Maybe I just can't accept the reality that there is such thing as love.

I admit, the concept scares the hell out of me. I don't know why...
or maybe i know why but I myself couldn't accept that I think that way.
Oh my, I'm such a confused person.
Maybe that explains why I have a somewhat cynical view of the concept.

Monday, April 10, 2006

Init Ulo Ko


Hay nakooo!
Talaga namang nakakainit ng ulo ang bwisit na PE na yan!
AAAAAAAAAAAAAHHH! Lintek.
Kung wala lang akong kahihiyan, kanina pa ko nagwala dun sa gym e...
Isa pa 'tong walangkwentang na CRS na 'yan e...
HOOOOOOOOh! 'Pag 'di nga naman nag-init ang ulo mo- ewan ko na lang!

Ano bang nagawa kong kasalanan at nangyayari sa akin 'to?!
huhuhuh...
Bwiset, baka hindi pa ko makagraduate ng dahil lang sa pe na 'to ah!
Waaaaaaah! Masyado akong nagpabaya...
Ayan tuloy... KASALANAN KO PA!!!
Nakakainis!

Hay ciriaka! Ayus-ayusin mo nga yang buhay mo!

Friday, April 07, 2006

Bakasyon '06

Putangamang bakasyon to o...
Kung hindi ako pinalilinis o pinaglalaba dito sa bahay, nakatunganga lang ako.

Sana mag-umpisa na ang summer classes.

Ang init-init!
Lalo pang nakakainit ng ulo ang mga tao dito sa bahay.

Lalo pang nakakainit ng ulo ang mga bagay-bagay na umiiral sa ulo ko ngayon.

Bakit kaya ganito ako?

aaaaaarrr... naiinis ako sa sarili ko.

Siguro kailangan ko ng itigil na ihambing ang sarili ko sa iba.
Siguro kailangan ko ng umpisahan ang sarili kong kwento.
Palagi ko na lang iniisip na dapat masmagaling ako sa iba-
e ang totoo'y hindi naman.
Niloloko ko lamang ang aking sarili.

Sa ngayon, kailangan ko munang ayusin ang sarili ko.

HOY! Umayos-ayos ka ngah!

Saturday, April 01, 2006

Manhid uli

Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin ngayon.
Wala akong maramdaman.
Autistic?
Wala na akong matinong maisip.
Marahil ay sanhi lang ito ng sunud-sunod na mga gawain ko nitong nagdaang linggo.
Dapat napapagod ako ngayon, pero kahit yun, hindi ko maramdaman.
Batong-bato na ako sa mga nangyayari sa buhay ko.
Masyado akong nag-iilusyon.
Masyado akong napapariwara.
Hindi ko pa rin alam kung saan ako patutungo.

Siguro
Siguro naghahanap lang ako ng takas.
Masyadong marahas ang mundong ito para sa akin.
Nakakahiya. Ang duwag-duwag ko.
Ayokong masaktan. Ayokong harapin ang realidad.
Nakakatakot.
Pero alam kong ito ang katotohanan.
Malungkot.
Wala pa rin akong magawa.

Sa ginagawa kong ito'y lalo ko lang sinasaktan ang sarili ko.
Alam ko 'yon.
Inutil.
Anong dapat kong maramdaman?
Anong dapat kong gawin?
Wala akong maramdaman.
Gusto kong umiyak at ilabas ang lahat ng mailalabas ng luha.
Pero wala ni isang patak.
Nakalimutan ko na rin ba kung paano umiyak?
Nakakalimutan ba kung paano magalit, paano matuwa, paano malungkot?
Wala akong alam gawin kundi ang tumawa.
Wala akong ibang alam gawin kundi ang magtago.
Wala akong ibang alam gawin kundi ang mag-ilusyon.

Gusto kong maging masaya.
Ayoko nang mamanhid sa lungkot at galit.
Gusto ko nang kalimutan ang lahat.