Nakagawa na naman ako ng isang bagay na pinagsisisihan ko ngayon.
Pero sa totoo lang, natuwa ako at nakonsensya dahil sa nangyari.
Siguro, 60% ng katauhan ko ay natutuwa at 40% ay nakokonsensya.
Ang plastik ko talaga.
Sa pagkakataong ito, pipilitin ko nang magpakatotoo sa nararamdaman ko.
Para sana kay lui ang entry ko sa blog ko ngayon. Gusto ko sanang sumulat sa kanya tungkol sa handout incident sa klase namin sa anthro192.
Ika-8 ng Setyembre,2006
Mahal kong Lui,
Hindi ko inaasahan na hihingi ka ng paumanhin sa akin dahil pinagkaitan mo ako ng handout sa anthro192. Pero pwede na rin. Hehehe. Matagal ko ng alam na salbahe ka talaga, at walang pakundangan mong ginagawa ang mga bagay na mapagtripan mong gawin- kaya naiintindihan kita. Hindi ko lang talaga napigilan ang pagka-inis ko nun. Aaminin kong sumama talaga ang loob ko. Sabi ko nga nagtatampo na ko e! HIndi niyo ko pinakinggan! Raaaaaaaar! Heheh, joke. Sabihin mo kung mali ako, pero unfair un e. Huhuh, nasaktan ako nung ipinagkait niyo sa kin yung karapatan kong makakuha ng handout! Para akong magsasaka na inapi at pinagkaitan ng karapatang magkaroon ng sariling lupa. Nahhh, exajjjj... Nahihiya lang ako sa iyo kasi hindi ko masabi ng diretso ang hinanakit ko. Bakit mo kasi binasa yung blog ko?! Hindi tuloy ako makakatulog nito kaka-isip sa kung ano'ng iniisip mo. Pagpasensyahan mo na lang ako. Nabigyan ko lang siguro ng maling kahulugan ang pagbibiro ninyong iyon. Pero,'takte. Nainis talaga ako nun. At nasaktan. Masmahal niyo pala si Aisha kaysa sa kin?! Uhuhuh... Wahaha. Biro lang.
Hayaan mo, sa susunod sasapakin ko na lang kayo agad para kwits na agad tayo at nang hindi na ako magkaroon ng sama ng loob sa inyo. Hindi 'to biro. yik!
Nakakainis naman. Hindi ko intensyon na konsensyahin ka o pag-isipin ka ng kung anong masama. Pramis. Naiintindihan ko naman talaga na binayaran ka lang ni Aisha. ehehe. Alam ko kung gaano kahalaga ang pera sa buhay natin ngayon. Wahehe. Pero kasi- alam mo yun? Kahit alam mong naiintindihan mo--- basta, the truth hurts. Nyahaha. Gusto ko lang ilabas ang sama ng loob ko nun kaya nasulat ko yung mga ganoong bagay sa blog ko. Huhuh, nakakahiya ako. Humihingi din ako ng patawad kung hindi nagdulot ng mabuti sa iyo ang mga bagay na pinglalagay ko dun sa nabasa mo sa blog. Bakit mo kasi binasa??? Hehehe. Biro uli.
Basta. Wala na yon. Natatawa tuloy ako. Anung kalokohan na naman ba 'tong ginawa ko?
Basta. Alam ko, prends tayo. Di ba? Hindi na pinapansin yung mga ganung maliliit na bagay. Likas lang talaga sa kin ang maghinanakit tungkol sa mga bagay na walang kwenta at pabayaan ang mga bagay na importante. Ehehehe. Sana maintindihan mo ko.
Hindi ako nagsosori para dun sa mga bagay na inilagay ko sa blog ko. Humihingi ako ng paumanhin sa kung anong naidulot nun sa yo. Gets? I mean, hindi ko binabawi na nagkaroon ako ng hinanakit sa inyo dahil dun sa lintik na handout na yon. GALIT PA RIN AKO!!!
Hehehe, biro lang uli.
Kung may hinanakit ka sa kin o sa kahit anumang bagay sa mundo, sabihin mo lang agad sa kin(kung gusto mo). Hindi ako makakatulong pero pwede akong maging malaking punching bag na gumaganti. Okey? Heheh.
Sige. Isang nakakatuwang biro na lang ang handout incident para sa kin ngayon. Tanggap ko ng pinagkakaisahan ako ng mundo. It's me against da world. Raaaaaaaaaaaaa! Hehe.
Nagmamahal,
Cyril
P.S. Apology accepted nga pala. -.-'
(Hiiiik! Ang awkward.)