Habang nagtatayp ako nito, kumakain ako ng puting merengue at nakikinig sa nakaka-depress na music ng Coldplay.Ganda...
Mmm...ang sarap. Ang tamis-tamis.
Nitong nakaraang sabado, nabihag na naman ako sa time space warp sa bahay ni kuya ty.
Ewan ko ba. 'Pag nandun ako, parang nawawala ang konsepto ng oras sa mundo.
Naroon sina Kuya Ty, Kuya eds, Kuya Hans, at Kuya myk. Dumaan sandali sina Ate rac, Kuya abe, Kuya Ranel, Kuya syl. Nanood ata sila ng game ng England at Portugal sa Ateneo.Nagpa-kain din ata nung gabing yun si Mr.Eds. Hindi ko alam kung bakit. Pero wala akong pakialam kasi hindi rin naman ako nakatikim ng kahit isang pirasong manok sa pakain niya.
Nagpunta lang kami ni Via dun para gawin yung para sa exhibit sa CHK na hanggang ngayon ay hindi pa rin namin matapos-tapos.
Nakakapagod ang training nung hapon na yon kaya medyo inaantok na kami ni Via, hindi na natuloy ang ginagawa namin.
Nagyayang mag-inuman sina Kuya eds. Chip-in. Pero hindi ako nagchip-in, hindi dahil ayaw kong uminom, dahil wala akong pera.
Pero mababait naman sila. Pinasali pa rin nila ako. Muntik pa silang magwala dahil hindi malamig ang beer at wala silang mahagilap na yelo.
Unang natumba si Via. Nalasing ata ang gaga, natulog na lang sa upuan. Si kuya hans, matapos ma-frustrate dun sa ginagawa niyang laruan, natulog na lang din.
Okey, two down. Ako, si Kuya ty, Kuya eds at Kuya myk ang natira.
Napansin kong tulala si Kuya Eds.
"Oy,humihinga pa ba yan?" tanong ko.
Wala talagang imik, nakatingin sa kawalan at malalim ang iniisip.
Obyus ba? May mabigat siyang problema. At malamang, problema sa lablayp yun.
Ganun naman lagi e... basta problema, lablayp yan. Wala yatang ibang problemang iniiiyakan kung 'di ang problema sa pag-ibig. Hahaha, buti na lang wala ako nun.
Medyo iba na ang takbo ng utak ko dahil sa alcohol.
Biglang nabanggit ni Kuya Eds na hindi raw marunong magmahal ang mga babae.
Sumang-ayon naman si Kuya myk. At maya-maya pa'y ginatungan pa sila ni kuya ty.
Sex lang daw ang hanap ng mga babae. 'Pag nakuha na ang gusto, iiwan ka na raw nila.
Siyempre hindi ako tatahimik na lang sa isang tabi. Naghahanap yata ng away ang tatlong yun e...
Nakipag-argue ako sa kanilang tatlo. Ang argumento ko ay argumento ng isang estudyante ng antropolohiya at hindi argumento ng isang peminista. That's what I think, at least. Base sa statement nilang tatlo, lumalabas na tinitingnan nilang hindi marunong magmahal ang lahat ng babae sa mundo, which is stereotypic para sa akin. Isa iyong generalization. Ang nakakatawa, may mga kilala rin kasi akong babae na pareho ang sinasabi tungkol sa mga lalaki. Ang mga lalaki raw ay hindi marunong magmahal, puro libog lang.
Natutunan ko sa antropolohiya na hindi tama, hindi dapat, o hindi maganda ang pag-ge-generalize ng mga tao. Cultural diversity, cultural relativism. Ito ang mga konseptong ginamit ko upang ipaliwanag na hindi tama ang pananaw nila tungkol sa lahat ng mga babae. Helo? Iba-iba rin ang mga babae 'no? HIndi lahat ng babae ay may pare-parehong experiences. At ganun din naman sa mga lalaki, hindi ba?
Ikinuwento sa akin ni Kuya eds ang naging experience niya regarding lovelife. Minahal daw niya talaga yung babae. Ibinigay niya lahat, isinakripisyo ang kailangan isakripisyo. Pero iniwan at sinaktan pa rin daw siya. Nagmahal siya at nasaktan. No question about that.
Pero para sa akin, hindi sapat ang sariling experiences upang mag-kahon ng mga tao.
For him, that's enough para sabihing hindi marunong magmahal ang mga babae. For me, hoy, hindi lang siya ang babae sa mundo.
Isa pa, ang pagmamahal kasi ay isang magulong konsepto.
Bawat tao ay may kanya-kanyang depinisyon ng pagmamahal.
Okey, pina-define ko kay kuya eds kung ano ang pagmamahal para sa kanya.
Yung depinisyon ba niya ng pagmamahal ay kapareho ng depinisyon ng pagmamahal ng babaeng minamahal niya?
Para sa kanya, alam niyang mahal na mahal niya yung babae. Pero ganun din ba ang nararamdaman ng babae para sa kanya?
Love is relative. Di ba?
So, ang problema sa pag-ibig ay humanap ng isa pang taong may depinisyon ng pagmamahal na tulad ng iyo.
Ang hirap naman nun.
Nakakatuwa kasi napatunayan ko noon na halos pare-pareho lang ang mga babae sa mga lalake. Pareho silang marunong magmahal. Pareho silang marunong masaktan. Pareho silang marunong magalit. At ang dahilan ng pagmamahal at sakit at galit nila ay halos pare-pareho din. Ewan ko lang ha? Pero baka nag-ge-generalize din ako sa puntong ito.
Hay buhay.
Nung ako ang tinanong nila kung ano para sa akin ang pag-ibig, hindi ko sila masagot.
Sabi ni kuya ty, napaka-imposible daw nun.
E hindi ko talaga masagot dahil masyadong magulo para sa akin ang pag-ibig.
Siyempre nung bata ako, ang pagmamahal para sa akin ay yung love story ng mga prinsipe't prinsesa. Kiss. Kasal. Pamilya.
Pero habang tumatanda ako, na-debunk yung alam kong pag-ibig.
Ilusyon lang ang lahat ng alam kong depinisyon ng pag-ibig. Hindi naman talaga siya parte ng realidad, ng tunay na mundo.
Nade-deconstruct ang lahat sa paligid ko.
Betwixt and between?
Yan tuloy, nasa liminality ako kaya gulong-gulo ako.
Yan tuloy, nagduda pa sila kung lesbiana ako o hinde.
Yan tuloy, na-harrass na naman ako ni kuya ty.
Yan tuloy, hindi ko na napanood yung The Ring.