Tuesday, March 22, 2005

Malapit nang Magbakasyon!!!

Malapit na namang matapos ang isang taon ng paghihirap sa pag-aaral.
Yehey, nakatapos na ako ng isang taon sa college!
3 taon pa...

Ahahaha, ang saya ko kanina...
Nakita ko yung kras ko!
Ahahaha, at nalaman ko pang magkakasama kami uli bukas!

Hay, bukas pupunta kami sa burol ng isang kakilala.
Sayang, kung nabigyan pa sana ng pagkakataon, masnakilala ko pa sana siya.
Pero kahit papa'no medyo nalungkot at nanghinayang din ako sa pagkawala niya.

Sa tingin ko yun ang isang kagandahan ng wala kang masyadong kakilala.
Hindi ka masayadong masasaktan 'pag nawala sila.

Maaaring sabihin ng iba na malungkot naman ang ganoong buhay.
Walang kaibigan...
Walang mamahalin...
At walang magmamahal.

Pero kung walang mga bagay na magpapalungkot sa isang tao, hindi siya malulungkot, 'di ba?

Kung walang mga bagay na makapagpapasakit sa kanyang kalooban, masasaktan ba siya?

Ngunit imposible ang ganoon...
Kasama na sa pagiging tao ang masaktan, ang malungkot.

Kaya nga ayaw ko nang maging tao e...

Ayaw kong malungkot, ayaw kong makakita ng mga taong nalulungkot.
Ngunit sa ganitong klase ng mundo, imposible ang ganoon.
Walang taong nabubuhay na laging masaya...
At 'yon ang nakakalungkot sa pagiging tao...

Kailangang bumalik sa realidad, ang tao ay isang malungkot na nilalalang.
Kahit maging masaya siya, darating at darating pa rin ang panahong magiging malungkot siya.
Nakakatakot maging isang tao.

Kaya kapag may pagkakataon ka para maging masaya, 'wag mo nang pakawalan.

Minsan lang maging masaya ang isang tao, tulad ko...
Kelan ba ako naging masaya?

'Eto na naman...mag-iisip muna ako.

Ahahaha, kanina masaya ako kasi nakita ko ang kras ko.
Pero ngayon malungkot na ako.

'Di kaya isang ilusyon lang ang pagiging masaya?





...itulog mo na lang 'yan...

Wednesday, March 16, 2005

Bad Trip

Alam kong hindi ako masyadong responsableng estudyante kaya sinusubukan ko nang gawin ang mga dapat kong gawin sa isang organisadong paraan. Para maniwala ang sinumang nagbabasa nito, may ipapakita pa akong iskedyul ko:

Ngayon,March 15: dapat tatapusin ko na yung essay ko sa Archaeo at magrerebyu para sa long test sa Math

Bukas,March 16:walang pasok kaya dapat magrebyu ako para sa long test sa Geography

Sa isa pang bukas,March 17:Hwebes, walang kailangang ipasa; pagkauwi ko, magrerebyu uli ako sa Math

Biyernes,March 18:ipapasa ang essay sa Archaeo at may long exam sa Math; tapos nun, sasamahan ko ang aking kapatid sa isang lintek na mass sa eskwelahan nila

Sabado,March 19:graduation day ng aking kapatid kaya kailangan naming pumunta ng umaga sa eskwelahan nila; may formal interview ako sa LAYA; pagkauwi ko, magpapahinga muna ako

Linggo,March 20:leisure muna,baka mamatay na ako; sa hapon, magrerebyu uli ako para sa Geography

Lunes,March 21:may long test sa Geography

Martes,March 22:wala naman kailangan ipasa...pa-gewang-gewang muna...baka tumambay sa LAYA


NAKANAMPUTYA, dahil sa pangyayari kanina, mukhang hindi ko na masusunod ang napakaganda kong iskedyul na 'yan...



Yung isa ko kasing kasama, niyaya akong tumambay sa LAYA.Birthday kasi ng isa pa naming kasama kaya babatiin sana namin.
Wala talaga akong balak tumambay dun ngayon, kaya lang mapilit yung kasama ko e...at saka, birthday nga naman ng isa pa naming kasama, nagbabakasakali lang na baka mailibre kami.*hwekhwekhwek,jok lang*

Pagdating namin sa pinuntahan, naglalaro ng baraha yung mga taong nadatnan namin.
Siyempre join kami...minsan-minsan kailangan ko rin magpalipas-oras.
Sabi ko, hanggang alas-4 lang ako.
Hindi ko namalayan ang pagdaan ng oras dahil lagi akong natatalo sa laro, mapa-pusoy dos o bullshit man.
Inis ako siyempre, dapat makabawi.
Kaya, nagtagal ako sa paglalaro ng baraha.

Dumating si Mr. Pansol, sinimulan ang pang-ookray, at napagdiskitahan ang beauty ko.
Ginawan ng isyu yung picture na kinuha niya nung isang linggo- si kuya jeric na naka-akbay sa kin. Ang nakakaasar dun, wala akong laban dahil nagpa-uto ako. Isa sa mga katangahan ko ang pagiging uto-uto, yung tipong alam ko nang inuuto ako ay nagpapa-uto pa rin ako.
Tanga 'no?
At 'yon, siyempre pahiya ako--malay ko bang ise-save nila sa computer yun?!
Buwiset, sobrang buwiset na buwiset ako nun.

Ipapaliwanag ko: nung March 6, Linggo, finals ng Copa de Laya, nagpunta ako sa Laya upang ipasa ang sigsheet ko. Naroon sina Mr.Pansol at trip niyang kumuha ng mga litrato. Isa ako sa mga taong trip niyang kuhanan ng litrato. Pina-pose ako. Ako namang si gaga ay sumunod. Pina-pose pa uli ako, sabi ko ayaw ko na dahil inuuto na niya ako. Inutusan niya akong umupo sa isang tabi. Sabi ko, ayaw ko dahil inuuto na niya ako.
Sabi ng isa: "Hoy, matuto kang sumunod!".
At na-uto nga akong sumunod sa gusto nila...nakisakay na lang ako sa trip nila.
Hindi pa nakuntento ang mga loko, pinaupo nila ako sa tabi ni kuya jeric.
Kukuhanan daw nila kami ng litrato.
Isa akong masunuring bata kaya umupo naman ako sa tabi ni kuya jeric. *walang flash*
"Isa pa, isa pa, akbayan mo naman siya." sabi ni Mr.Pansol.
At yun nga, may picture kami ni kuya jeric. At may bonus: nakaakbay pa siya sa kin.

Wala naman malisya para sa kin ang bagay na 'yon.
Pero lumipas ang mga araw hanggang sa mangyari ang mga nangyari kanina.

Yun ang isang magandang halimbawa ng bad trip. BAD TRIP talaga.
Ewan ko kung isa lang talaga akong tatanga-tangang tao.
Dahil sa pangyayaring 'yon, pakiramdam ko na-degrade ang pagkatao ko.

Bigla ko tuloy naalala nung tinanong ako ni Mr. Pansol kung pwede raw ba akong kuhanan ng nakalabas yung isang suso. Gagawan daw niya ako ng isang porn site. "Hahaha." Tinawanan ko nalang, baka kung ano pang isipin nila pag nagwala ako.
Sa loob-loob ko lang:"PUTANGAMA,wala namang bastusan."

'TANGAMA NINYO!NILOLOKO NIYO AKONG LAHAT!!!MGA WALANG KUWENTA;ULOL;GAGO;PUTANGAMA!

Naisip ko lang, 'di ba pang-aabuso na yung ginawa nilang 'yon sa akin?

At ako naman si gaga na umaarteng parang walang nangyari.
Oo, tama, 'wag mo na lang silang pansinin. Tumahimik ka na lang sa isang tabi.
Magalit ka sa sarili mo dahil hindi mo naipagtanggol ang sarili mo sa pang-aabusong ginawa nila. Nasaktan ka, so what? Hindi naman ibang tao ang nasaktan, natuwa pa nga sila e.
Ikaw LANG naman ang nasaktan. Ang pagkatao LANG naman ni Cyril ang pinag-uusapan dito. Wala naman nasasaktan kahit mamatay ka sa hiya at sa katangahang ginawa mo.
Okay lang yun,wala naman ibang nasaktan kundi ikaw...ikaw lang naman at wala nang iba.

Tuesday, March 15, 2005

NANAY!!!

Napanaginipan ko ang nanay ko kaninang umaga...
Putya, paggising ko umiiyak ako.
'Tangamang panaginip yan, napakasama!!!

Sa panaginip ko, namatay daw ang nanay ko...
Ganito 'yon, nasa isang lugar daw kaming magkakapatid- ako, si Allen at si Evin...
Parang sa sunken garden pa nga e...
Nagpapalipad daw kami ng saranggola...
Maaliwalas ang panahon, hindi mo aakalaing may masamang mangyayari.
Biglang napadpad ako sa bakuran ng isang parang simbahan, maraming puno, malilim, at may kasama daw akong isang batang babaeng umiiyak. Kasama niya ang nanay at tatay niya na nag-uusap. Malayo sa amin ang magulang ng umiiyak na bata kaya hindi ko raw marinig ang pinag-uusapan nila. Tinitingnan nila ako, may halong awa, parang nakikiramay...
Bigla akong napunta sa isang kwarto, natutulog si Allen sa may paanan ko.Nakaupo ako sa kama, walang magawa...nakita ko ang sarili kong nagbibihis ng itim na blouse at palda. Hindi pa nga raw magkasya sa kin yung palda e...
Biglang lumitaw sa may pintuan yung tatay ko, pinagmamadali ako...
Bigla, nakita ko na naman ang sarili ko na nakaupo sa kama, tulog pa rin si Allen. Naktunganga raw ako kung saan...bumabalik-balik yung eksenang nagpapalipad daw ako ng saranggola sa may sunken garden...
Napalingon ako sa isang maliit na kahon, biglang may ibang eksena, parang flashback... may inilalagay daw sa kahon na 'yon ang nanay ko- parang mga sulat na naka-envelope pa. Nagsasalita siya pero hindi ko marinig ang sinasabi niya.
'Tangama, bigla akong napaiyak.Humahagulgol daw ako sa pag-iyak sa panaginip ko.
Naririnig ko na ang sarili kong umiiyak, tinatawag ko na ang pangalan ng nanay ko...

Buti na lang natauhan ako kaya nagising ako.

Putya, buti panaginip lang...

Katabi ko pa naman ang lola ko, naramdaman ko na lang na hinahagod niya ang likod ko. 'Kakahiya...narinig niya 'atang umiiyak ako sa panaginip ko.
Namumugto ang mga mata ko paggising ko.
Na-realize ko na lang na sobrang miss na miss ko na talaga ang nanay ko. Nang maisip kong apat na taon pa bago ko siya muling makita, napa-iyak ako sa harap ng almusal kong kape at pandesal.

Kumusta na kaya siya dun ngayon? Putya, hindi ako makapag-isip mg matino dahil dun sa panaginip na yon. Hindi ko maiwasang isipin na baka may masamang nangyari na sa kanya dun.
AHHHH!!!Bakit pa kasi nanaginip ako ng ganon?!

Nanay!!!Miss na kita...

Sunday, March 06, 2005

Listahan ng mga Kailangang Gawin:

FRENCH: mag-review para sa LOOONG Exam
GEOG: mag-basa ng mga readings *2nd long exam sa March 18
PANPIL: gawin ang papel sa AGUILA (deadline sa March 14), simulan gawin ang komiks (deadline sa March 21), tapusin nang basahin ang Last Order sa Penguin (papel deadline sa March 28), jornal sa March 14, mag-post sa blog
MATH: gawin ang H.W., 2nd long exam sa March 18
ARKIYOLOJI: papel na ipapasa sa March 18

Putya, ang daming gagawin sa PanPil.
Lintek...

Simulan ko na kayang gawin ngayon,'no?

Tuesday, March 01, 2005

Ang buhay ko ngayon

Lagot...2 linggo na lang, hindi ko pa natatapos yung sigsheet ko sa LAYA.
Katatapos lang ng long test ko sa PanPil kanina,
nawala lahat ng enerhiya ko, nahigop ng mahaaaaaaaaaaabang pagsusulit na 'yon.
Oo, nakakapanghina talaga...
Taga-pulot pa naman kami ng mga soccerballs kanina sa tournament ng LAYA...
Tapos ang init-init pa!
Magiging pollwatcher nga pala ako bukas. Gagabihin ako kaya masaya na naman ako: kasi hindi ko na maaabutang gising ang mga tao dito sa bahay pag-uwi ko, hindi ko na makikita ang pagmumukha nilang lahat!

Sawang-sawa na ako sa pagmumukha nila,
lalo na sa nakakasukang pagmumukha ng siraulo kong ama.
Pag tumutingin ako sa kanya parang lalo akong nanlulumo...
Tila siya si kaawaawa...
dahil wala na naman siyang pera.
Para sa kanya pera ang lahat, hindi niya kami napapansin, kaming mga anak niya.
Kung pansinin man niya kami puro pasigaw na mura, puro panggagalaiti, puro paninisi.
Magastos daw kami masyado.
Magastos.
Tinitingnan niya kami bilang isa sa mga liabilities niya, hindi bilang mga anak na mamahalin, na gagabayan.
Tinitingnan din niya kami bilang mga taong may pang-ekonomikong halaga lamang---pinag-aaral niya kami para daw magkaroon sila ng aking ina ng maginhawang buhay pag kumikita na kaming magkakapatid.
Ang kinalabasan, naging gago at siraulo din kami tulad niya.
Hindi siya masaya sa acheivements ko.
Masaya siya para sa sarili niya dahil gagradweyt akong may honors nung patapos na 'ko ng hayskul, dahil alam niyang may makukuhanan na naman akong bagong scholarship, menos gastos sa bulsa niya, hindi siya mahihirapan sa paggastos sa akin sa kolehiyo.
Ganon naman siya e...
Ayaw niyang siya ang nahihirapan, gusto niyang iba ang naghihirap para sa kanya.
Kaya ngayon nasa abroad ang nanay ko.
Pilit niyang pinupunan ang pagkukulang ng tatay ko.
Ang nanay talaga, ano kayang pinagkaiba ng buhay ko ngayon kung wala akong tatay?
Kung iisipin ko, masmadali para sa akin ang buhay kung wala ang tatay.
Pareho lang din naman e. Wala naman siyang nagagawa;ang lola ko naman ang nag-aalaga sa amin, minsan siya din ang nagsu-sustento sa amin pag di pa dumadating ang padala ni nanay o pag di pa nakakapagbayad ang mga hinahatid-sundo ni tatay. Kaming dalawang magkapatid ang nag-aasikaso sa mga gawaing bahay-nagluluto, naglalaba, namimili ng paninda at tumutingin sa tindahan.
Meron naman siyang nagagawa, kaya lang hanggang linis lang ng pinakamamahal niyang sasakyan. Para sa kanya, sila lang ang mga bagay na may silbi.
Pero itong mga nakaraang araw...hindi na rin namin nagagawa ang lahat ng mga dapat namin gawin dito sa bahay.
Nakakahiya tuloy sa lola ko...ang bait-bait niya.
Sawang-sawa na kami sa ganitong klase ng buhay...kaya pilit kaming naghahanap ng mga bagong bagay na mapagkakaabalahan sa labas ng bahay.
Naiiwan tuloy yung maliit naming kapatid...
Kelan matatauhan ang tatay ko?
Hindi naman siya ganun kasama...makitid lang ang pag-iisip niya.
Sa sobrang kaiisip sa mga bagay na nakaasa sa kanya, hindi na siya makapag-isip ng tama.
Praning ang tatay ko.Kailangan lang maliwanagan ang kaisipan niya.

May homework ako sa Math1

May h.w. ako sa math1. wala lang, share ko lang...

Ano bang nangyayari sa 'kin?

Magkakaroon na ba ako, kaya nagkaka-mood swings ako?

Hindi ko maintindihan ang sarili koh!
Ano bang nangyayari sa 'kin?

Bihira akong maka-usap nitong mga nakaraang araw...napapansin ko ngang lagi na lang akong tumatahimik bigla.

Actually, hindi naman talaga ako makaka-usap ng matino kasi lagi na lang akong tumatawa...

Magk'wento ka sa 'kin at tatawanan ko ang mga pinagsasasabi mo...

kahit sinong magk'wento sa kin tinatawanan ko lang,
nagmumukha na nga akong tanga sa harap nila e...
siguro naba-bad trip sila sa 'kin.

Tinatawanan ko'ng lahat:
problema,
tagumpay,
kasiraan,
lab layp,
jokes,
at kahit sobrang korny na mga jokes, bentang-banta sa 'kin.

Sa totoo lang sumasakit lagi ang pisngi ko kakatawa, kakabungisngis.

Pero sa totoo lang hindi ko pa naririnig ang totoong halakhak ko, malamang hindi ko pa nagagawang tumawa ng totoo, yung tawa pag masaya talaga ang isang tao.

Marahil totoo nga,
mahirap mang aminin,
hindi talaga ako masaya sa totoong buhay ko.

Eto ako, si Cyril.
Laging nakanigiti, tumatawa.
Automatikong pagtawa ang reaksyon ko sa lahat ng bagay, parang halakhak na inirekord lang, parang sirang plaka na paulit-ulit lang.

Malungkot ako.
'Yan ang totoo.

Kelan ba ako totoong ngumiti o tumawa?

Ang hirap tandaan...
siguro nung bata pa ako,
...siguro nung una akong nagkaroon ng Barbie at Polly Pocket
-sinorpresa pa ako ng nanay ko nun
...siguro nung una akong natutong mag-bike
-ibinili pa ako ng tita ko ng sarili kong bike nun, ipinamana pa ng lolo ko yung antigo niyang visekleta sa akin
...siguro nung birthday ko sa Batanes,
na ang handa ko ay puro lobster at crabs na paboritong-paborito ko na nagdudulot naman sa akin ng allergy
...siguro nung isinama ako ng tita ko sa HongKong,
tapos kumain kami ng breakfast, lunch at dinner buffet, na hindi nawawalan ng napalaking selection ng mga matatamis tulad ng chocolates, cheesecakes, icecreams at pastries...

Ang kasiyahang dulot ng mga produktong kapitalismo ang nararanasan ng halos lahat ng tao ngayon...
kasiyahang dulot ng mga materyal na bagay...
kasiyahang hindi naman totoo.

Kelan kaya ako tunay na magiging masaya?

Maaari kong sabihing masaya na ako pag nagkaroon ako ng high-tech na celfon.
Ngunit anong ipinagkaiba ng kasiyahang iyon sa kasiyahang dulot ng isang pulang lobo sa isang batang paslit?

'Di ba pareho lang?

Ang kasiyahang dulot ng mga materyal na bagay ay panandalian lamang...
ang kasiyahang hinahanap ko ay yung magtatagal ng panghabambuhay.

Kaya lang, mukhang imposibleng makita ko yun sa ganitong klase ng mundo.

Lahat ng nakikita ko ay puro kahirapan, puro kalungkutan.
Pa'no ka makakahanp ng tunay na kasiyahan sa isang lugar na lason ang pagkain?
sa isang lugar na ingay ang laging naririnig?
sa isang lugar na kahit pagsinghot sa sariwang hangin ay di mo pa magawa?

Nasasakal ako,
hindi ako makahinga.

Mamamatay ako dito.


Ngunit bakit ganon ang mga tao?
Sadya bang mahalaga sa kanila ang buhay,
kaya kahit gaano kahirap ay pilit pa rin nilang binubuhay ang sarili?
O sadya lang silang mga siraulong nilalang na gusto lang magpakasakit sa mundong ibabaw?

Nananatili pa rin ang konsepto ng pag-asa sa makikitid nilang mga utak,
sa makikitid nating pag-iisip.

Di ba, kaya patok na patok ang mga superheroes ngayon dahil sa pag-aasam ng maraming tao na may darating na isang mala-diyos na nilalang na magliligtas sa kanila mula sa kahirapan at kagipitan?

Si Krystala,
ang Mulawin
at ang coming soon na Darna...

Niloloko niyo lang ang sarili ninyo...